Responsive Ad

Anne Curtis, parang hindi nanganak dahil sa napakagandang pangangatawan niya ngayon 8 buwan matapos niyang isilang ang kaniyang anak!

Si Anne Ojales Curtis-Smith o mas hinangaan ng publiko bilang si Anne Curtis ay 35 taong gulang na Filipino-Australian actress, modelo, television host, VJ, recording artist at business woman. Isa siya sa mga host ng noontime show na “It’s Showtime” kasama sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Amy Perez, Ryan Bang, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Kim Chiu, Ion Perez, Jackie Gonzaga, at marami pang iba.

Taong 2016 nang ibahagi nila sa publiko ang engagement nila ng kaniyang longtime boyfriend na si Erwan Heussaff, isang restaurateur at food blogger. Nobyembre 2017 nang ikasal sila sa Queenstown, New Zealand.

Marso 2020 nang isilang ni Anne ang panganay nilang anak na si Dahlie Amelie. Ayon sa ilang mga netizens, ang pangalang “Dahlia” ay hango sa naging popular na karakter noon ni Anne sa 1997 movie niyang “Magic Kingdom”.

Hinangaan ng publiko ang kaniyang natatanging pagganap sa proyekto niyang ito kung kaya naman talagang tumatak ito sa maraming mga Pilipino. Kamakailan lamang ay nagbahagi ng ilang mga larawan si Anne sa kaniyang social media account kung saan makikita ang napakagandang hubog ng katawan nito.

Walong buwan matapos niyang manganak ay talaga namang tila bumalik na ang kaniyang katawan sa dati. Napakaganda at napakabalingkinitan ng kaniyang katawan.

“Flat” na rin ang kaniyang tiyan at kapansin-pansin ang kaniyang mga “abs” at “toned muscles”. Talaga namang napa-wow at napa-sana all na lamang ang maraming mga netizens sa “post-baby body figure” ng aktres.

Mula noon hanggang sa ngayon ay marami pa ring tumitingala kay Anne hindi lamang dahil sa angking niyang kagandahan at kaseksihan kundi dahil na rin sa kaniyang napakabuting puso. Sa kabila kasi ng tagumpay at kasikatan na kaniyang tinatamasa ay nanatili pa rin ang kaniyang mga paa sa lupa.

Sa ngayon ay masayang masaya na si Anne dahil sa nasaksihan niya ang paglaki ng kaniyang anak at bawat “milestone” ni Baby Dahlia ay talaga namang nakasubaybay siya.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments