#SerbisyoBandera: OFW may paandar na digital system para iangat maliliit na negosyo

HINDI lahat ng Overseas Filipino Workers (OFW) ay hanggang pag-iipon lang ang pangarap.
Para sa mag-asawang sina Jeffrey Cabrera at Emerald Bihag, mas naging makabuluhan ang kanilang tagumpay nang magamit nila ang kanilang karanasan abroad upang makatulong sa kapwa-Pilipino.
Mula sa pagiging empleyado sa ibang bansa, ngayon ay sila na ang nasa likod ng “Opsified,” isang digital business management system na tumutulong sa mga maliliit na negosyo sa Pilipinas at UAE na mapadali ang kanilang operasyon.
Sa exclusive interview ng BANDERA, ibinahagi nina Jeffrey at Emerald kung paano nagsimula ang kanilang journey bilang OFW bago nila nabuo ang nasabing app.
Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: MSMEs sa Pasig pinalalakas digital commerce ng TikTok Unlad Lokal
“Ako, I started as an OFW. Syempre naging empleyado din ako. I handled several systems and iba’t ibang klase ng kliyente,” pagbabalik-tanaw ni Jeffrey.
“‘Yung experiences na natutunan ko doon, ‘yun din ‘yung aking ina-apply dito. Mostly ‘yung mga sobrang mahihirap na challenges na nasolusyonan ay ngayon ipinapasa na namin through Opsified,” saad niya.
Kwento naman ni Emerald, nagsimula ang ideya ng Opsified nang makita nilang maraming small business owners ang nahihirapang i-manage ang kanilang negosyo.
At dahil mahigit 20 taon na rin ang kanyang experience sa process creation at business improvement, pinagsama nila ni Jeffrey ang kanilang expertise upang makagawa ng mas simple at abot-kayang digital system para sa MSMEs.
“So when we combined both our skills, napaganda namin and na-digitalize namin ‘yung mga process ng mga businesses,” dagdag niya.
Sabi ng couple, nagsimula muna sila sa paggawa ng customized systems para sa iba’t ibang negosyo.
Ngunit kalaunan ay napansin nilang hirap ang maliliit na negosyo na makapagpagawa ng sarili nilang software dahil sa mahal na halaga nito.
Dito nila nabuo ang Opsified o “Business Operations Simplified.”
Paliwanag ni Jeffrey, kayang i-manage ng system ang 70 hanggang 80 porsyento ng business operations ng isang SME.
“From payroll, sales, ngayon meron na kaming project management. Pretty much ‘yung buong SME community na business is na-cover na namin,” pagmamalaki pa niya.
Bukod dito, malaking tulong din umano ang nagawa nilang system sa mga negosyong gumagamit ng napakaraming apps, spreadsheets, at manual processes.
“Usually pag nag-i-input sila ng data, one time na lang nila gagawin kasi automated na siya,” saad ni Emerald.
May facial recognition feature din ang system para sa attendance at payroll automation ng employees.
“Provided ito ng Microsoft. So certified ito, hindi mo ma-spoof kumbaga,” paliwanag naman ni Jeffrey.
Sa ngayon, mayroon na silang daan-daang users mula sa Pilipinas at UAE, at plano pa nilang palawakin ito sa iba pang bansa.
Pero higit sa negosyo, mas mahalaga para kina Jeffrey at Emerald ang makatulong sa kapwa Pilipino.
Ayon kay Emerald, kahit UAE-based ang kanilang kumpanya, Pilipino pa rin ang karamihan sa kanilang developers at nasa Pilipinas ang kanilang operating center.
“We want to employ mas maraming mga Pinoy para makatulong sa kanila at sa mga pamilya nila na hindi na nila kailangan mag-abroad,” sambit ni Emerald.
Para sa mag-asawa, ibang klaseng fulfillment ang naibibigay ng pagtulong sa kapwa entrepreneurs matapos nilang magsimula bilang ordinaryong empleyado abroad.
“Siyempre, ang success nila, success din namin,” wika ni Jeffrey.
Nagbigay rin ng inspirasyonal na mensahe si Emerald para sa mga Pilipinong gustong magsimula ng negosyo.
“Sa una akala mo nakakatakot siya and yes there are trial and error. Pero kailangan ng resilience and syempre may tiyaga talaga tayo,” lahad niya.
Dagdag pa niya, naniniwala siyang kayang umasenso ng mga Pinoy basta’t may tiyaga, tamang sistema, at gabay mula sa mga taong handang tumulong.
“Nagsu-support din kami dun sa mga gustong magsimulang mag-negosyo because we have affiliate partnership programs wherein if they want to sell systems sa mga kakilala nilang negosyante, they can earn from it. So meron kami gano’ng programa na binibigay from Opsified para makatulong sa mga kapwa Pilipino natin na makapag-umpisang magnegosyo or if they already have a business right now, they can add Opsified as one of their services na they can offer to their clients,” aniya pa.
The post #SerbisyoBandera: OFW may paandar na digital system para iangat maliliit na negosyo appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments