Responsive Ad

Bela Padilla mahirap katrabaho at sakit sa ulo ng produksyon, how true?

Bela Padilla mahirap katrabaho at sakit sa ulo ng produksyon, how true?

HOW true kaya ang nakalap na chika ng komedyante at talent manager na si Ogie Diaz na uma-attitude raw ang aktres na si Bela Padilla?

Sa latest upload ng kanyang “Showbiz Update” vlog ay isa ang dalaga sa kanilang napag-usapan matapos umabot sa kanya ang chika na tila hindi maganda ang pag-uugali nito sa bagong teleserye na “Blood vs. Duty”.

Unang nabanggit ni Ogie ang cryptic post ni Bela sa kanyang Instagram story na: “When you give it your all pero di man lang pala siya day ender”.

In-explain pa nila kung ano ang dayender na tumutukoy sa cliffhanger scene o ang dapat abangan sa susunod na episode.

Baka Bet Mo: Bela Padilla 99% hindi sang-ayon sa ipinaglalaban ni Robin Padilla

Bandera IG

Inaasahan raw kasi ni Bela na maging dayender siya pero hindi nangyari kahit ginawa na nito ang lahat sa kanyang scene.

Ani Ogie, kailan pa raw nangialam ang artista kung sino ang magiging dayender dahil hindi naman ito isyu. Mas isyu pa raw ang ginawa niya ang lahat sa eksena pero hindi ito umere.

Bukod sa reklamong ito ni Bela, marami pang nakarating na chika sa kanyang hinggil sa hindi magandang pag-uugali ng aktres sa “Blood vs. Duty”.

“Totoo ba to na ikaw ay sakit ng ulo ng produksyon? Na may mga artista doon sa Blood vs. Duty na ginagawan mo ng isyu, na bakit kailangang makarating sa top management ang iyong reklamo? Hindi ba kaya i-address [muna] ng production?

“Tapos mayroon pang isyu dyan sa set na parang si Baron Geisler pinag-iinitan ni Bela Padilla? Parang ginagawan daw ng isyu?” sunud-sunod na tanong ni Ogie.

Nais ring kumpirmahin ng talent manager kung totoo bang tinawag na “retarded” ng aktres si Baron.

“Kaya tinatanong ko kung totoong namutawi sa bibig niya kasi ‘yun ang kumakalat sa set… ‘Yan dapat ang mga linawin ni Bela. At kung hindi niya sinabi ‘yun, ano ‘yung ibang isyu niya kay Baron?

“Kung totoo man ito, anong kinalaman ni Bela sa diskarte ng prod, sa script, sa daloy ng kwento, sa mga eksena kung sino ang dapat ang kasali?” chika pa ni Ogie.

Bubog rin ng source ng talent manager, sakit sa ulo sa set at mahirap katrabaho si Bela.

May mga bulungan rin na nagkaroon na ng problema ang aktres sa ilang katrabaho nito gaya nina Carlo Aquino, Ria Atayde, at sa kaibigan nitong si Angelica Panganiban.

Hindi naman daw agad-agad naniniwala si Ogie sa mga chikang ito kaya hinihingi niya ang panig ni Bela.

Hirit pa niya, “Kung feeling mo napakahusay mong artista, kung feeling mo hindi nasusunod ‘yung direksyon ng career na gusto mo, kung feeling mo ikaw ang dapat na dayender, dapat ikaw na mag-produce.”

Samantala, wala pa namang pahayag si Bela hinggil sa isyung ito.

Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw at pahayag ng aktres hinggil sa isyung ito.

The post Bela Padilla mahirap katrabaho at sakit sa ulo ng produksyon, how true? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments