Bato pinasusuko na nina Hontiveros, Tulfo: ‘Respect the law, submit yourself, cooperate’

NANAWAGAN na sina Sen. Risa Hontiveros at Sen. Erwin Tulfo sa kapwa-senador na si Bato dela Rosa na sumuko na sa mga awtoridad.
Ito ay matapos sabihin ng Department of Justice (DOJ) na maaari nang ipatupad ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban sa senador.
Ayon kay Tulfo, ipinagdarasal na lamang niya ang kalusugan ng dating PNP chief, habang si Hontiveros naman ay umaasang magkakaroon ng “peaceful and lawful resolution” sa sitwasyon na aniya’y nakaapekto na rin sa iba’t ibang institusyon at sa buong bansa.
“I reiterate our appeal to Senator [d]ela Rosa: Respect the law, submit yourself, and cooperate with law enforcers and the legal process,” oakiusap ni ni Hontiveros.
Baka Bet Mo: DOJ iniutos full force manhunt kay Bato dela Rosa
Si Hontiveros ay kabilang sa mga naghain noon ng resolusyon sa Senado na nananawagang sumuko si Bato matapos itong muling magpakita sa Senado at ilagay sa “protective custody” ng bagong liderato.
Ngayong muli umanong nagtatago si Bati, sinabi ni Hontiveros na dapat manaig ang batas.
“The rule of law should always prevail. Respect for the law and due legal process must prevail,” dagdag pa niya.
“May justice be served,” ani pa ng senador.
Samantala, nang tanungin si Tulfo kung hinihikayat ba niyang sumuko si Bato, sinabi nitong baka mas mabuti raw ito upang hindi na mahirapang magtago ang senador.
“If you ask me, maybe, so he would no longer have a hard time, so to speak, hiding,” saad ni Tulfo.
Gayunman, sinabi rin niyang nasa desisyon pa rin ni Bato kung susuko ito o hindi.
“But it’s up to him, it’s hard for us to force a person. As they say, he has freedom. He can think for himself,” sambit pa niya.
Nang tanungin namang kung may mensahe siya kay Bato matapos hindi maglabas ng temporary restraining order (TRO) kaugnay sa pag-aresto rito, sinabi ni Tulfo: “Nothing, really. My only message for him is I am praying for him, that he is in good health, that may the Lord God keep him away from illness.”
Nag-ugat ang mga pahayag matapos sabihin ng DOJ na maaari nang ipatupad ng mga awtoridad ang ICC warrant laban kay Bato matapos ibasura ng Supreme Court of the Philippines ang hiling nitong TRO.
Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, inatasan na ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) para ipatupad ang arrest order.
Matatandaang pinangalanan ng ICC si Bato bilang umano’y “co-perpetrator” sa kasong crime against humanity of murder kaugnay ng anti-drug campaign ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Duterte, na dating pinagsilbihan ni Bato bilang PNP chief, ay naaresto noong nakaraang taon at kasalukuyang naghihintay ng paglilitis sa ICC sa The Hague kaugnay rin ng naturang anti-drug campaign.
The post Bato pinasusuko na nina Hontiveros, Tulfo: ‘Respect the law, submit yourself, cooperate’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments