Responsive Ad

Robin Padilla nagsalita na tungkol kay Aljur: Good luck, magsipag ka lalo! 

Robin Padilla nagsalita na tungkol kay Aljur: Good luck, magsipag ka lalo! 
Robin Padilla, Aljur Abrenica, AJ Raval, Vic del Rosario at Vincent del Rosario

HINDI na raw na-shock si Sen. Robin Padilla nang makarating sa kanya ang balitang may tatlong anak na sina Aljur Abrenica at AJ Raval.

Si Aljur ay ang estranged husband ng kanyang anak na si Kylie Padilla at may dalawang anak, sina Alas at Axl Padilla Abrenica.

Nakachikahan ng BANDERA at ilan pang piling miyembro ng entertainment media si Sen. Robin kahapon para sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa Viva Entertainment.

Pagkatapos ng Q&A session kung saan napag-usapan nga ang pagbabalik niya sa pag-arte, ay kinorner siya agad at nausisa nga tungkol sa naging rebelasyon nina AJ at Aljur na meron na silang tatlong anak.

“Wala ako alam sa ganyan. Pero hindi na ako nabibigla sa ganyan. Hindi na ‘yan kabigla-bigla sa panahon ngayon,” pahayag ng aktor at public servant.

Dagdag pa niya, “Ano, re-react ko ba dapat? Dapat si Kylie. Wala naman ako nasasabi. Maayos sila, hindi sila nag-aaway. Alam ko lumalabas sila na pamilya,” sabi pa niya.

Hiningan din siya ng mensahe para kay Aljur, “Good luck. Magsipag ka lalo dahil marami ka nang anak. Iba na…wala naman ako masasabi kundi good luck sa lahat,” aniya pa.

Buong-buo naman ang tiwala ni Sen. Robin kay Kylie na kering-keri nitong i-handle ang kanyang personal na buhay, lalo na ang pagiging single mother.

“Matanda na kasi si Kylie, lumaki independent. Mabuting ina, masipag. Hindi ko na siya inaalala sa mga ganyang usapin. Mahal na mahal kita, anak,” sey ng senador.

Samantala, super excited na si Robin sa pagbabalik niya sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng kanyang comeback movie na “Bad Boy 3″ under Viva Films.

Todo ang pasasalamat niya kay Boss Vic del Rosario ng Viva Films dahil sa pag-encourage sa kanya na gawin ang part 3 ng “Bad Boy” na naging daan para maging action superstar.

“Napakalaki ng aking pasasalamat sa aking ama sa showbiz, kay Bos Vic, na siyang unang nakakita ng ating kakayahan sa pelikula. 

“Hindi ako magiging si Robin Padilla kundi dahil sa kanya. Itinuturing ko na siyang aking ama,” sey ni Robin sa naganap na contract signing niya with Viva kasama ang mag-amang Boss Vic at Vincent del Rosario.

Sabi naman ni Boss Vic, “I was the first who saw his potential as a new kind of action star. When we did Bad Boy, it was an action star that the Pinoy moviegoer had never seen before and it remains as one of our most successful box-office hit. I am proud of what Robin has become.”

The post Robin Padilla nagsalita na tungkol kay Aljur: Good luck, magsipag ka lalo!  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments