Responsive Ad

Presyo ng langis tataas nanaman pagdating ng August 5

Presyo ng langis tataas nanaman pagdating ng August 5
INQUIRER file photo

ABISO sa mga motorista! Nag-anunsyo na kasi ang ilang oil companies sa posibleng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo pagdating ng August 5.

Ayon kay Jetti Petroleum President Leo Bellas, posibleng magmahal ng P0.80 hanggang P1 kada litro ang diesel, habang P1.50 hanggang P1.70 naman ang dagdag sa gasolina.

Ang balitang ito ay kinumpirma rin mismo ni Rodela Romero, assistant director ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau.

Sabi niya, gasolina ang may pinakamalaking dagdag-presyo na aabot sa humigit-kumulang P1.50 kada litro. 

Baka Bet Mo: Pagtaas ng presyo ng mga bilihin bumagal ng 1.3% nitong Mayo –PSA

Posible ring tumaas ang diesel ng halos P1, at ang kerosene naman ay magmamahal ng mga P0.80 kada litro.

Paliwanag ni Romero, may kinalaman ang mga posibleng dagdag-presyo sa muling pangamba sa supply disruptions matapos ipataw ni US President Trump ang sanction laban sa Russia at Iranian oil.

Karaniwang nag-aadjust ng presyo ang mga fuel retailer tuwing Martes.

Samantala, inanunsyo ng Petron Corp. na nagpatupad sila ng P2.50 rollback sa presyo ng LPG kada kilo simula hatinggabi ng Biyernes, August 1.

“This reflects the international contract price of LPG for the month of August,” sey ng kompanya.

The post Presyo ng langis tataas nanaman pagdating ng August 5 appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments