Responsive Ad

Vice Ganda feeling amazed: Mahal na mahal ako ng mga special children

Vice Ganda feeling amazed: Mahal na mahal ako ng mga special children
Vice Ganda

EMOSYONAL ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda sa pagbabalik niya sa “It’s Showtime” nitong nagdaang Sabado, July 26.

Ilang araw din siyang absent sa naturang noontime show kaya naman ipinaramdam niya sa studio audience ang sobrang pagka-miss niya sa mga ito.

Talagang nilapitan niya ang ilan sa mga nanonood sa studio at niyakap nang bonggang-bongga kasabay ng pagpapasalamat sa patuloy na pagsuporta sa kanilang programa.

“Thank you very much. It feels so good na pinili nyo pa rin po kami na makita, mapanood, ma-experience. Ang sarap-sarap lang po sa pakiramdam,” ang mensahe ni Vice sa madlang pipol.

Nagpasalamat din siya sa grupong Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ang nasa likod ng 8th EDDYS awards na ginanap last Sunday, July 20.

Ginawaran ng Box Office Hero award si Vice Ganda para sa tagumpay ng kanyang pelikulang “And The Block Is…”. Kasama niyang tumanggap ng kaparehong award sina Alden Richards at Kathryn Bernardo para sa success ng “Hello, Love Again”; Julia Barretto at Joshua Garcia for “Un/Happy For You”; Dennis Trillo at Ruru Madrid para sa “Green Bones”; at Piolo Pascual at Vic Sotto para sa “The Kingdom.”

Ang 8th EDDYS ay presented by Playtime PH in partnership with Newport World Resorts and ABS-CBN. Co-presented ito ng Globe, Sound Check, at Unilab.

Samantala, naikuwento rin ni Vice Ganda ang isang video sa TikTok kung saan napanood niya na pati mga children with disability ay sumusuporta sa kanya.

“Kanina sa TikTok may napanood ako na hindi ko alam kung bakit ang lapit-lapit ko, at mahal na mahal ako ng mga special children. 

“Special children who really choose to watch me and ang parents nila na ang pelikula ko ang pinapanood nila para mapakalma ang kanilang special kids.

“Hindi ko alam kung bakit nyo ako pinapapasok sa mundo n’yo and I’m so grateful and I’m amazed, and I’m just so happy to be part of your world.

“Maraming salamat na napapasaya ko kayo diyan, and masarap sa pakiramdam na nakakapasok ako sa mundo ninyo,” pahayag ni Vice.

“Ako talaga naa-amaze, kasi normal na iyon sa atin, di ba? Sa mundo natin. Marami ang nagsabing kaya gusto nila ang mga pelikula natin, kasi nagre-relax sila, nakatakas sila sa problema.

“Pero I’m just so amazed kung bakit yung mga special children, pelikula ko ang gusto nilang tutukan para kumalma sila,” saad pa ng komedyante.

The post Vice Ganda feeling amazed: Mahal na mahal ako ng mga special children appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments