‘Emong’ nakalabas na ng bansa, Habagat magpapaulan sa maraming lugar

LUMABAS na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Emong (international name: Co-may) kaninang 7:10 a.m., July 26.
Ayon sa 5:00 a.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huli itong namataan sa layong 500 km hilagang bahagi ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph malapit sa gitna at bugsong aabot sa 70 kph.
Kumikilos si Emong pa-hilaga sa bilis na 45 kph at inaasahang bibilis pa ang galaw sa parehong direksyon.
Baka Bet Mo: Bagyo 101: Ang ultimate guide para hindi ma-confuse sa klase ng bagyo, wind signals
“Due to the increasingly unfavorable environment and fast translational speed of Emong, it will likely degenerate into a remnant low within the next 12 hours,” sey ng PAGASA.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FPAGASA.DOST.GOV.PH%2Fposts%2Fpfbid024Yb8YpcRmHXHosJnBfzp8Sqoh5CrbwdG3hFvpq5XDtVdRin2NDANeYpbP59UfM4nl&show_text=true&width=500" width="500" height="488" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>
Kahit wala nang bagyo, asahan pa rin ang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.
Kabilang na riyan ang Ilocos Region, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro na makakaranas ng occasional rains.
Kalat-kalat na pag-ulan ang dala nito sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, CALABARZON, at sa natitirang bahagi ng MIMAROPA.
Isolated rains naman ang aasahan sa nalalabing bahagi ng bansa.
The post ‘Emong’ nakalabas na ng bansa, Habagat magpapaulan sa maraming lugar appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments