Michelle Gumabao clueless sa hiwalayang Marco-Cristine

WALANG ideya si Michelle Gumabao kung ano ang estado ng relasyon ng kapatid niyang si Marco Gumabao sa aktres na si Cristine Reyes.
Sa kanyang naging guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda”, natanong ang balibolista sa kanilang dynamics na magkapatid.
Pinuri ni Michelle ang pagiging independent at ang pag-step up nito matapos makulong ang kanilang ama.
Ngunit pag-amin niya, noong mga bata bata pa sila ay madalas niyang pahirapan ang mga naging girlfriend ni Marco.
Baka Bet Mo: Ara Mina sa hiwalayang Cristine-Marco: Kung kayo talaga, kayo pa rin
View this post on Instagram
Nausisa rin si Michelle patungkol sa relasyon ng kapatid kay Cristine na kamakailan lang ay naiulat na hiwalay na.
“And I don’t actually know where they are now in their relationship. I just know that nakausap ko pa rin siya [Cristone] last week, and I got to see her din, especially when her dad passed away.
“So, she has a good relationship with our family. So, at least whatever is happening between them, hindi naman na-affect ‘yung mga tao sa paligid like us,” lahad ni Michelle.
Wala rin siyang ideya kung talagang hiwalay na ang dalawa dahil hindi pa niya nakakausap si Marco.
“I haven’t seen him, so I haven’t asked him. The last time I know, wala because nakita ko rin sa social media,” sey ni Michelle.
Dagdag pa niya, “But I don’t know if they get to talk again now. So siguro something to ask him when I see him.”
Matatandaang nitong Abril lang nang lumabas ang balitang hiwalay na ang dalawa matapos mapansin ng netizens ang pag-unfollow nila sa isa’t-isa.
The post Michelle Gumabao clueless sa hiwalayang Marco-Cristine appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments