Responsive Ad

Gerald Anderson hinahanapan na ng apo kay Julia Barretto: ‘Gustong-gusto ng dad ko!’

Gerald Anderson hinahanapan na ng apo kay Julia Barretto: 'Gustong-gusto ng dad ko!'

Gerald Anderson, Julia Barretto 

“KAILANGAN ko na ng anak kasi gusto na ng dad ko.”

Ito ang inamin ni Gerald Anderson ngayong nasa edad 36 na siya at nasa yugto na ng buhay na nais na niyang bumuo ng sarili niyang pamilya, lalo na’t botong-boto ang kanyang pamilya kay Julia Barretto.

Sey pa ng aktor sa interview niya with Toni Talks vlog ni Toni Gonzaga-Soriano, “Tsaka gustong-gusto ng dad ko si Julia na parang anak na niya.”

Sa totoo lang, parehong pamilya raw nila ay bet silang dalawa, kaya tila isang pa-hapyaw na proposal na rin ang naging pahayag niyang ito.

Kaya naman nang tanungin siya ni Toni kung ano na ang natutunan niya tungkol sa kababaihan, buong-pusong sagot ni Gerald, “In my situation now, in my relationship now, nandoon ako sa bigger picture (muwestra) palagi na lahat ng ginagawa ko is for the end game.”

Baka Bet Mo: Gerald sigurado nang si Julia ang pakakasalan, pero dinenay ang tsismis na marriage proposal

“Lahat ng work ko, pr business ko it’s always there but I forget the small details, small moments or ‘yung simpleng date lang and how important that to women. Kung baga something simple so much to them,” esplika ng aktor.

At sumang-ayon naman diyan si Toni na hindi naman talaga kumplikado ang mga babae –ang gusto lang ay mahalin sila ng tapat at sa tamang paraan, “We don’t ask for the world.”

Pero para ka Gerald, gusto niyang ibigay ang lahat sa taong mahal niya, “Kaya itong prime years ko, itong years na kumikita at nagta-trabaho at malakas pa ako physically, mentally, emotionally bubuhos ko muna dito (kanan)  saka ko ibibigay ang world, pero hindi, eh.

“This is already enough being with her (Julia) is enough, taking care of her, sharing my burdens and my stress ‘yun pala is enough (and) malaking bagay na pala ‘yan.”

At dito ibinunyag ng aktor na mahirap sa parte niya na mag-share ng kanyang saloobin pagdating sa taong mahal na mahal niya.

“It’s hard but I learned to let down my walls more,”  seryosong sabi ng aktor.

Sabi naman ni Toni na kakasabi lang daw ito ng isa sa naging guest niyang si Papa Jack na isang DJ sa radio at nagbibigay payo sa usaping lovelife.

“Kakasabi lang ni papa Jackson ‘yan, kapag nagbaba na ng walls ang lalaki sa ‘yo, mahal ka niya talaga,” diin ni Toni.

Sumang-ayon naman si Gerald at hind inga raw puwedeng basta mag-share lalo na sa showbiz na ayon kay Toni, “It can be used against you.”

“Oo bilang lalaki dapat strong, pero may mga araw na maging weak din. It’s okay to be weak for a moment, a day or for a week as long as you have the right people around you and the right woman, yeah,” sambit ng binata.

At ang sikreto ni Gerald, “’Yun ang secret weapon in life, having the right partner.”

Sa kasalukuyang relasyon ngayon ni Gerald kay Julia, “Mas deeper, I think 7 years ang agwat namin, but si Julia is very mapagmahal, very motherly manang-mana siya kay tita Marj sa mommy niya super. ‘Yung love and support na binibigay niya, it inspires me to just be better and give her the 100 percent ng best version ko, basta (sabay tawa), masyado akong (nagbigay ng detalye), nakakatakot ha, ha.”

At speaking of relationships, hindi pinalampas ni Gerald ang mga isyung lumalabas sa social media na naghiwalay na umano sila ni Julia, ang paglilinaw ng aktor: “We’re okay, kanina lang hinatid ko siya sa airport punta sila Dubai kaya medyo napaaga ako (sa calltime). No (hindi kami naghiwalay)…Nakakalungkot na ‘yun na ang basehan, ‘no?”

Nag-ugat ang mga tsismis matapos mapansin ng netizens na matagal nang walang post na magkasama ang dalawa sa kanilang social media accounts.

Dagdag pa rito, hindi rin nakita si Gerald sa birthday celebration ng ina ni Julia na si Marjorie Barretto, na kadalasan ay present siya.

Mas umingay pa ang usap-usapan nang bumati lang si Gerald ng “Happy birthday, Tita” sa Instagram post ni Marjorie na hindi naman sinagot ng huli.

Lalo pa uminit ang usap-usapan nang mag-post ang aktor na nag-picnic silang mag-ina sa tabi ng sapa na wala si Julia at may video post din na nakaupo si ‘Ge sa sapa, habang umaagos ang tubig na tila nag-iisip at ang caption ay, “Regroup.”

Pero base sa kwento ni Gerald ay mukhang nagkatampuhan ang dalawa dahil bakit niya nabanggit na, “Maraming bumps in the road” tapos nakaganda pa dahil na-test na mas lalong naging stronger ang relasyon nila ni Julia.

“Five years maraming bumps in the road, but sometimes I think blessing din ‘yun kasi parang it made us even stronger when you go something like that,” ito ang nabanggit ni Gerald sa panayam.

Dagdag pa ng aktor, “When you see something like that and you see ‘yung partner mo is emotionally strong, supportive of you and you know na it was worth it (ipaglaban ang kanilang relasyon).”

Na-touch naman si Toni sa pahayag ng aktor at nasabi na lang niya, “Jules it was worth it.”

Puring-puri ni ‘Ge ang kanyang girlfriend dahil, “She had the poise, the grace na maturity at may mga times na parang mas mature pa sa akin, eh. Siyempre pag lalaki ka you take control of everything (and) I tried to keep things to myself lalo na kung stress or problems (at) nakalimutan ko na ang partnership, so, dapat tulungan kayo. Isa ‘yan sa mga natutunan ko sa kanya throughout the whole relationship is a partnership.”

Sumang-ayon naman si Toni na ang mga lalaki raw talaga ay hindi open sa kanilang mga pinagdadaanan sa buhay, lalo na sa usaping pag-ibig.

Technically, halos nasubaybayan ni Toni ang karera ni Gerald dahil parte pa siya noon ng unang season ng Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2006 at si Kim Chiu ang big winner, habang hinirang sa ikatlong puwesto ang aktor.

Naging girlfriend ni Gerald si Kim na ipinagpalit sa kaibigan ng aktres na si Maja Salvador at pagkalipas ng dalawang taon ay si Bea Alonzo na ang kasunod at nagkahiwalay noong 2019 na sinundan naman ni Julia hanggang ngayon.

Sa tatlong beses na broken-hearted si Gerald ay wala siyang maraming kwento kung bakit siya naghiwalay kina Kim, Maja at Bea ma unlike sa mga nabanggit ay may chinika sila kung bakit sila naghiwalay sa aktor.

“Mahirap din sa akin ‘yung sitwasyon na ganu’n kasi it’s also hard na hindi ka masyadong mag-express ng feelings mo, mga kaibigan ko na malapit sa akin na alam nila lahat ang nararamdaman ko bukod sa pamilya ko.

 “Ako kasi I don’t really believe na I have to say everything sa media kasi you’re opening up so many doors to negativity and other people na may masabi lang kung baka ‘mema’ lang. If kaya kong ayusin behind closed doors, privately kausapin ko kung sino ang dapat kong kausapin and that will be the best way to do it,” paliwanag mabuti ng aktor.

At nagawa na raw ito ng aktor na ayusin privately ang isa sa mga nakarelasyon niya.

“Siyempre, hind sa lahat obviously. When you hurt someone like in my case na you hurt someone to the limit na talagang napupuno na, medyo ayaw na akong makita, kaya (tanong daw niya), ‘bakit ayaw mo, ayusin na natin ‘to.  But when you get older and time goes by, you know hind imo na masisisi,” sey pa ni ‘Ge.

Sa panahong nakapanakit siya ay may panahong ayaw niya lumabas ng bahay, “Self-analyzing ‘yung sarili mo, ganito ba akong tao (sey ni Toni na binigyan ng label) yes label and once ma-label (ka) ay hindi na maalis ‘yun especially sa industriya natin everything on social media but it’s a learning experience ng ups and downs at hindi lang mabuti ‘yung tatanggapin ko (netizens), o good news o papuri lang, di ba? Doon lumalaki ang ulo natin kapag maganda lang ang gusto mong pakinggan.” 

Sa bansag na babaero o cheater si Gerald ay matindi niya itong pinabulaanan, “Hindi ko naman maitatago dahil alam n’yo, kung sino ang girlfriend ko, sila talaga. Walang iba!”

Pero hindi naman itinanggi ng aktor na maraming temptations sa trabaho niya, lalo na sa mga nakasama niya na maayos naman, pero hindi naman siya nahulog sa mga ganung sitwasyon.

The post Gerald Anderson hinahanapan na ng apo kay Julia Barretto: ‘Gustong-gusto ng dad ko!’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments