Responsive Ad

Edsa rehab hindi muna itutuloy, ‘odd-even scheme’ kanselado –PBBM

Edsa rehab hindi muna itutuloy, ‘odd-even scheme’ kanselado –PBBM

President Bongbong Marcos; Edsa

PANSAMANTALANG sinuspinde ni Pangulong Bongbong Marcos ang nakatakdang rehabilitasyon ng Edsa.

Ayon sa presidente, ito ay para bigyang-daan ang masusing pag-aaral kung paano maiiwasan ang sobrang abala nito sa publiko.

Kasunod ng anunsyo, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi na rin itutuloy ang nakaplanong pagpapatupad ng odd-even scheme sa Edsa ngayong buwan.

Gayunpaman, mananatili ang umiiral na number coding scheme upang kahit paano ay mabawasan ang dami ng sasakyang dumaraan sa matinding trapiko ng nasabing kalsada.

Baka Bet Mo: Bongbong Marcos walang balak mag-resign: Bakit ko gagawin ‘yun?

Sinabi rin ng pangulo na narinig niya ang mga hinaing ng mga commuter na apektado ng nasabing proyekto.

“It seems that with the planned Edsa rehabilitation, a lot of [our people] are worried and may be saying, ‘if our commute to our work is already too long—will add an hour, two hours—then it’s over, we would no longer go home,’” sey ni Marcos sa kanyang pahayag sa paglulunsad ng Family Fare 1+3 promo, kung saan libreng makakasakay ang tatlong miyembro ng pamilya tuwing Linggo sa tatlong linya ng tren sa Metro Manila.

Dagdag pa niya, “Additionally, we have identified new technologies that we are not currently utilizing in the Edsa rehabilitation planning.”

Nakatakda sanang simulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Edsa Rebuild project sa kalagitnaan ng Hunyo.

Kabilang sa mga nakaplanong gawin ay ang pagpapalit ng sira-sirang konkreto, paglalatag ng bagong aspalto, pagpapalawak ng kalsada at pag-ayos ng sidewalk, pag-upgrade ng drainage system, pagpapaganda ng ilaw at mga karatula, at pagkukumpuni ng mga tulay at flyover.

“It would indeed be great if we could fix [Edsa], but the huge sacrifice of two years—that is too [long],” wika pa ni Pangulong Bongbong, sabay sabing nais ng pamahalaan na paikliin ang panahon ng pagsasaayos.

Aniya pa, “So, let’s study, let’s make a good plan so that instead of two years, we can do it in six months, we can do it in one year, whatever it is, let’s see.”

The post Edsa rehab hindi muna itutuloy, ‘odd-even scheme’ kanselado –PBBM appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments