Vico Sotto nangunguna sa pagka-mayor sa Pasig, malayo agwat sa mga kalaban
Vico Sotto
ILANG oras lamang pagkatapos ng botohan ngayong araw, May 11, ay marami na ang bumabati sa anak nina Vic Sotto at Coney Reyes na si Vico Sotto.
Si Vico ang nangunguna sa mga kandidatong tumatakbong mayor sa Pasig City base sa partial and unofficial results ng halalan as of May 12, 9:19 p.m..
Ayon sa datos mula sa Commission on Elections (Comelec) ang kasalukuyang mayor ng Pasig na tumatakbo sa kanyang ikatlong termino ay nakakuha na ng 262,906 votes.
Ang sinasabing pinakamahigpit niyang kalaban na si Sarah Discaya ay nakakuha ng 21,775 boto habang ang iba pang kandidato na sina Cory Palma at Eagle Ayaon ay nakapagtala ng 238 at 219 votes, respectively.
Para naman sa pagka-vice mayor, ang incumbent candidate na si Dodot Jaworski ay nangunguna rin sa labanan with 217,750 votes.
Ang kanyang mga kalaban na sina Iyo-Caruncho Bernardo at Kuya-Marc Dela Cruz ay may 53,005 at 4,342 votes, respectively.
Sa labanan sa pagka-congressman, nangunguna naman si Roman Romulo na may 260,566 votes na tumatakbo rin sa ikatlo niyang termino sa House of Representatives.
Nakakuha naman si Ian Sia ng 12,574 votes na na-disqualify sa eleksyon base sa naging desisyon ng Comelec kaugnay ng “pambabasto” umano niya sa mga single mother sa isa niyang campaign rally noong April.
Ang naturang mga resulta ay ibinase sa 74.57% naprosesong election returns ng Comelec mula sa 288,430 out of 463,885 voters. Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy pa rin ang bilangan ng mga boto sa Pasig.
The post Vico Sotto nangunguna sa pagka-mayor sa Pasig, malayo agwat sa mga kalaban appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments