Responsive Ad

Teves timbog na, ikukulong sa NBI detention facility sa loob ng Bilibid

Teves timbog na, ikukulong sa NBI detention facility sa loob ng Bilibid

PHOTO: Facebook/Congressman Arnie A.Teves

MATAPOS arestuhin sa Timor-Leste, dinala na sa Pilipinas ang dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr.

Ayon sa ulat ng INQUIRER, si Teves ay ikukulong sa pasilidad ng National Bureau of Investigation (NBI) na matatagpuan sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

“’Yung NBI detention center ay nasa Bureau of Corrections, pinahiram kami ng Building 14, sa’min lang ’yon, sa NBI lang ’yon,” sey ni NBI Director Jaime Santiago sa panayam ng PTV, isang government-run television network.

Dagdag pa niya, susuriin muna si Teves ng mga doktor ng NBI at kailanga pang iproseso gaya ng booking.

Baka Bet Mo: Vhong Navarro sinalubong ng yakap ng mga anak sa pag-uwi, babalik na ba sa ‘Showtime’?

Pahihintulutan din umano ang dating kongresista na hintayin ang kanyang abogado bago siya tuluyang ikulong.

Tiniyak din ni Santiago na bibigyan ito ng sapat na atensyong medikal, habang nasa piitan.

Dumating si Teves sa bansa nitong Huwebes ng gabi, May 29. –lumapag sa Davao City bandang 7:27 p.m. sakay ng eroplano ng Philippine Air Force na pansamantalang huminto para mag-refuel.

Makalipas ang halos isang oras, lumipad muli ang eroplano papuntang Villamor Airbase sa Pasay City.

Ipina-deport si Teves ng bansang Timor-Leste matapos siyang arestuhin ng mga immigration authorities sa kanyang tirahan sa Dili noong Martes ng gabi, May 27.

Nahaharap ang gobernador sa ilang kaso ng murder at frustrated murder sa ilalim ng Revised Penal Code.

Siya ang pangunahing suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at ilan pang biktima noong 2023, na tinaguriang Pamplona massacre.

The post Teves timbog na, ikukulong sa NBI detention facility sa loob ng Bilibid appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments