Sunshine Cruz lucky charm ni Atong Ang sa sabong, tukaan pampaswerte
Atong Ang at Sunshine Cruz
SIGURADONG “lucky charm” kung ituring ng kontrobersyal na negosyanteng si Atong Ang ang kanyang girlfriend na si Sunshine Cruz.
Sa halos lahat ng mga litrato at video na naglalabasan sa social media na kuha sa loob ng sabungan, ay magkasama palagi sina Atong at Sunshine.
Kamakailan nga lang ay may bagong video na namang kumalat sa social media ay naispatan na naman ang magdyowa habang nasa loob ng sabungan.
In fairness, kinakiligan na naman ng mga netizen ang eksena kung saan lantarang hinalikan ni Atong Ang sa lips si Sunshine. Talagang sigawan at palakpakan ang halos lahat ng nakasaksi sa kanilang kissing scene.
Base sa comments ng mga nakasaksi sa sweet at cheesy moment ng magkarelasyon, matapos daw pakawalan ni Atong ang hawak na manok na panabong sa arena, lumapit muna siya kay Shine at hinalikan ito sa mga labi.
Nagkakaisa naman ang mga nakapanood sa kilig-kiligan kissing scene, sa pagsasabing si Sunshine raw ang pampasuwerte ni Atong sa pagsasabong.
Mismong si Atong Ang ang umamin na totoong girlfriend na niya ngayon si Sunshine. Patunay nga riyan ang nag-viral na halikan ng magdyowa sa social media.
Sa isang kumalat na video, makikitang lumapit si Sunshine kay Atong para halikan ito sa lips.
Sa isa pang hiwalay na video, makikita naman si Atong na lumapit sa aktres at hinalikan din ito sa labi. Pinaniniwalaang kuha ang mga ito sa loob ng sabungan, base sa mga comments ng netizens.
The post Sunshine Cruz lucky charm ni Atong Ang sa sabong, tukaan pampaswerte appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments