Responsive Ad

Suchata Chuangsri ng Thailand kinoronahan bilang Miss World 2025

Suchata Chuangsri ng Thailand kinoronahan bilang Miss World 2025

TALAGA nga namang sumakses ang pambato ng Thailand na si Suchata Chuangsri matapos masungkit ang titulo bilang Miss World 2025.

Sa naganap na coronation night sa HITEX Exhibition Centre in Telangana, India, ngayong Sabado, May 31, kung saan naglaban-laban ang 108 kababaihan mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, nagtagumpay ang dalaga na makamit ang korona para sa ika-72nd edition ng naturang beauty pageant.

Isang “blue crown” ang minana ni Suchata mula kay Miss World 2024 Krystyna Pyszkova ng Czech Republic.

Paniguradong doble doble ang saya ng dalaga maging ng mga pageant fans mula Thailand dahil ito ang unang korona nila bilang Miss World.

Baka Bet Mo: Krishnah Gravidez bigong makapasok sa Top 4, Pinoy fans super proud pa rin

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Samantala, hindi naman na bago si Suchata sa international pageant dahil ilang beses na rin itong rumampa at naging kinatawan ng Thailand noon sa Miss Universe 2024.

Siya ang inihalal ng dating Miss Universe Thailand organizer para lumaban sa 72nd edition ng Miss World matapos makipag-partner ng huli sa Thai Miss World licensee.

Samantala, si Hasset Dereje Admassu mula sa Ethiopia ang nag-top mula sa Africa continental group at itinanghal bilang first runner-up.

Hinirang naman bilang second runner-up ang nag-top sa Europe continental group na si Maja Klajda mula sa Poland.

Third runner-up naman ang Aurélie Joachim mula sa Martinique na siyang nag-top sa America and Carribean continental group.

Samantala, nagtapos naman ang journey ng pambato ng Pilipinas na si Krishnah Gravidez bilang isa sa Top 8 finalists.

The post Suchata Chuangsri ng Thailand kinoronahan bilang Miss World 2025 appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments