Responsive Ad

Pope Leo XIV bagong Santo Papa, dati nang bumisita sa Pilipinas

- [ ] Netizens disappointed as Cardinal Tagle didn’t make popehttps://globalnation.inquirer.net/276457/netizens-disappointed-as-cardinal-tagle-didnt-make-pope

PHOTO: Facebook/Vatican News

MAY bagong pinuno na ang Simbahang Katolika!

Siya’y walang iba kundi si Robert Francis Prevost, ang ika-267 na Santo Papa na kauna-unahan mula sa Amerika.

Ang napiling pangalan ni Prevost ay Pope Leo XIV.

Nangyari ang pagbabandera ng bagong lider ng simbahan kagabi, May 8, matapos lumabas ang puting usok mula sa Sistine Chapel, ang hudyat na may napili nang bagong pope.

Baka Bet Mo: Pope Francis ililibing sa labas ng Vatican, world leaders magsasama-sama

Siyempre, nagkaroon din ng first public appearance si Pope Leo XIV at siya’y lumabas sa balkonahe ng St. Peter’s Basilica na nakangiti at masayang kumakaway.

Ang unang sinabi niya rin sa publiko matapos maging Santo Papa ay ang katagang, “peace be with you.”

At alam niyo ba mga ka-BANDERA, nakapunta na siya sa Pilipinas noong 2004!

Lumitaw ang kanyang pictures sa Facebook page ng Provincial Government of Santo Niño de Cebu.

Si Pope Leo XIV ay dating Prior General ng Order of Saint Augustine na pinangunahan ang pagbabasbas ng kanilang kumbento na nasa Barangay Mohon, Talisay City sa Cebu noong January 31, 2004.

Anyway, pinalitan ni Pope Leo XIV si Pope Francis na pumanaw noong April 21 sa edad 88 dahil sa komplikasyon mula sa stroke. 

The post Pope Leo XIV bagong Santo Papa, dati nang bumisita sa Pilipinas appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments