Responsive Ad

Meiko Montefalco hinimatay habang nagla-live sa Facebook, anyare!?

Meiko Montefalco hinimatay habang nagla-live sa Facebook, anyare!?

Meiko Montefalco

NAG-ALALA at natensiyon ang netizens nang biglang mahimatay ang content creator at TikTok star na si Meiko Montelfaco habang nagla-live sa Facebook.

Nangyari ito nitong nagdaang Lunes ng gabi, May 26 kung saan napanood ang sobrang pag-iyak ni Meiko hanggang sa hindi na siya narinig ng kanyang viewers online.

Sa naturang video, makikitang pumasok sa kwarto ang kasama sa bahay ni Meiko at tinangka siyang gisinigin pero hindi na nagre-response ang vlogger.

Sinubukan din siyang gisingin ng kanyang anak pero wala pa ring nangyari.

Samantala, nagbigay ng update ang kaibigang content creator ni Meiko na si Daniel Laudit sa pamamagitan ng isang video matapos nga siyang i-tag ng followers ng vlogger.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ipinaalam sa kanya na hindi na raw nagsasalita si Meiko kaya naman agad-agad na siyang humingi ng tulong sa kanilang mga kaibigan. Ani Daniel, naitakbo naman daw sa ospital si Meiko.

Kahapon ng madaling-araw, May 27, ay nakalabas na rin ng ospital si Meiko. Pero wala pa siyang ibinibigay na update tungkol sa totoong nangyari sa kanya.

Naging hot topic si Meiko sa social media nang ilantad niya sa publiko ang umano’y panloloko sa kanya ng mister na si Patrick Bernardino.

“Nasa Boracay ako nagkita kayo ng kabit mo. Nasa Taiwan ako nagkita kayo ng kabit mo. Kaya pala sinasabi ko minsan dito kayo mag-stay sa condo, ayaw mo.

“Kaya pala uwing-uwi ka palagi sa Bulacan tuwing aalis ako dahil sumasalisi pala kayo ng kabit mo,” ang rebelasyon ni Meiko sa kanyang video.

“Sabi pa ng kabit mo kinukumusta nga siya palagi ni Carlo tuwing pumupunta ka dito sa condo. Ibig sabihin, may contact na kayo at nagkikita pa kayo kahit pinupuntahan mo na ako, sinusuyo mo na ako dito sa condo.

“Nagkita pa kayo and kagabi, kagabi lang, galing mismo sa bibig mo, sabi mo February kayo natapos, hindi lang ako ang nakarinig. May witnesses ako. Nag-iiba ka nanaman ng statement,” aniya pa.

The post Meiko Montefalco hinimatay habang nagla-live sa Facebook, anyare!? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments