Responsive Ad

Megan Young isinilang na ang baby nila ni Mikael: Welcome to the outside world

Megan Young isinilang na ang baby nila ni Mikael: Welcome to the outside world

Megan Young, Mikael Daez at ang kanilang bagong-silang na baby

NANGANAK na ang Kapuso actress at beauty queen na si Megan Young sa first baby nila ng kanyang asawang si Mikael Daez.

Sa pamamagitan ng kani-kanilang Instagram page, ibinandera ng celebrity couple ang good news sa buong universe ngayong araw.

Nag-post si Megan ng isang video clip kung saan mapapanood ang compilation ng mga litrato from her pregnancy journey.

Isa-isang ipinakita ni Megan ang mga pictures mula nang unang mga linggo ng kanyang pagbubuntis hanggang sa unti-unti nang lumobo nang bonggang-bongga ang kanyang tiyan.

Kasunod nga ng kanyang 39th week photo ay ang bumalandra na ang litrato nila ni Mikael na kalong-kalong na ang kanilang baby na isinilang nitong nagdaang May 20.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Megan Young (@meganbata)


“Welcome to the outside world, our little one! It’s been a week with him and we’re filled with so much love,” ang caption ni Megan sa kanyang IG post.

Sa Instagram naman ni Mikael makikita ang isa pang short video na naglalaman din ng compilation of photos nila ni Megan hanggang sa isilang na ang kanilang unang anak.

“An explosion of overwhelming emotions. New chapter unlocked,” ang nakalagay sa caption ng Kapuso actor.

Bumaha naman ng congratulatory message mula sa mga netizens para sa mag-asawa at sa kanilang baby.

Matatandaang sa isang podcast nila ni Mikael ay inamin ni Megan na may pag-aalinlangan siya nu’ng una pagdating sa pagbubuntis dahil alam niya kung gaano ito kabigat na responsibilidad.

“Getting pregnant is always a risk. Sabi nila it’s a choice and it’s a risky thing for the human body. I guess I’m afraid of complications for myself and for the child if I ever do get pregnant.

“That’s my number one fear, getting sick or dying from having a baby.

“My body change is something that I am scared of because I don’t know how my body will react to pregnancy so that’s a very unknown kind of thing to me, even though I’ve had friends and family get pregnant in the last couple of years. I’m just scared of the unknown,” ani Megan.

Pero sabi naman ni Mikael, “We’re going with the flow, and it’s really up to Bonez, because like you said, you are the baby carrier, and I just tell them that I’m just here to support.”

Ikinasal ang mag-asawa noong 2020 makalipas ang isang dekadang relasyon.

The post Megan Young isinilang na ang baby nila ni Mikael: Welcome to the outside world appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments