Kylie Versoza umalma kay Nawat sa pagbandera ng phone number sa madla

TINAWAG ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa ang pansin ng Miss Grand International (MGI) president na si Nawat Itsaragrisil matapos nitong ibandera ang kanyang phone number sa madlang pipol.
Sa kanyang Instagram story nitong Huwebes, May 29, sinabihan niya ang MGI president na i-take down ang kanyang post na naglalaman ng kanyang phone number.
Ani Kylie, nagpadala na siya ng personal message sa kanya at sa team nito patungkol sa pagbandera ng mga ito ng kanyang numero nang walang pahintulot.
“Hi @nawat.tv, I sent you and your team a message. You accidentally posted the wrong number that happens to be mine,” saad ng aktres.
Baka Bet Mo: Kylie Verzosa happy sa karelasyon, super green flag ang dyowa
View this post on Instagram
Pagpapatuloy ni Kylie, “I don’t know how it ended up there or why you have it, but I am getting bothered by calls at the minute. Please take it down.”
Humingi naman ng tawad si Nawat sa Miss International titleholder sa nagawa nitong pagkakamali.
“Hi, I deleted it already. Someone sent to ask me and I just saw the name and reply to my [Instagram] story. I do apologize again,” sagot ni Nawat kay Kylie.
Viral ngayon sa social media ang screenshot ng post ni Nawat kung saan ipinakita niya ang passport information ng nagbitiw na 2024 Miss Grand International Rachel Gupta kalakip ang number mula sa area code ng Pilipinas.
Kahit na deleted na ang naturang post ay hindi pa rin nawawala ang kopya nito na in-upload ng iba pang netizens.
Mainit na pinag-uusapan ngayon ang MGI pati na rij si Nawat matapos ibahagi ni Rachel ang dahilan ng kanyang pagbibitiw bilang reigning queen.
Hindi na raw kasi niya ma-take ang kakulangan sa suporta at ang hindi magandang pagtrato sa kanya.
Ngunit depensa ni Nawat, unprofessional raw si Rachel.
Dahil sa kanyang pagbibitiw ay ang sumunod sa kanyang pwesto na pambato ng Pilipinas na si CJ Opianza ang magmamana ng korona.
The post Kylie Versoza umalma kay Nawat sa pagbandera ng phone number sa madla appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments