Responsive Ad

Kristel Fulgar ikinasal na sa boyfriend, for good na sa South Korea?

Kristel Fulgar ikinasal na sa Korean boyfriend

IKINASAL na ang actress-turned-content creator na si Kristel Fulgar sa kanyang Korean boyfriend na si Ha Su-hyuk nitong Sabado, May 10.

Ibinandera ng Nice Print Photo ang sa kanilang Instagram page ang mga larawqn na kuha sa kasal ng dalawq.

“It’s official! Just married [ring and red heart emoji] @kristelfulgar [Kristel] and Suhyuk wedding in Seoul South Korea,” saad sa post.

Agad naman itong nakita ng madlang pipol at nagpaabot ng kanilang congratulatory messages para sa bagong kasal.

Baka Bet Mo: Kristel Fulgar todo handa sa kasal, ipinasilip ang pinagpipiliang wedding gowns

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Congrats Kristel!” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Best wishes to the happy couple [emojis] congratulations!”

At ngayong kasal na nga si Kristel at si Su-Hyuk ay plano na ng aktres na mamalagi sa Korea.

Sa katunayan nasabi na niya ito sa kanyang nagdaang vlog

Lahad ni Kristel, “Since nandito ako sa Pilipinas naka LDR kami ni Su-hyuk so ang hirap pala ng LDR. Patagal nang patagal, palalim nang palalim ang relasyon namin, pahirap nang pahirap ‘yung LDR. Nag-decide na rin naman ako na dun na titira sa Korea. Magmo-move na ako sa Korea.”

Sa kabila ng pagse-settle down sa Korea ay madalas pa rin itong uuwi ng Pilipinas.

“Babalik-balik ako dito. Nandito ang pamilya ko, nandito ang business ko, nandito ‘yung mga kaibigan ko, madali lang naman kasi four hours lang naman ang biyahe,” dagdag pa niya.

The post Kristel Fulgar ikinasal na sa boyfriend, for good na sa South Korea? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments