Responsive Ad

Kris nagsalita na sa kulam at sa mga ‘pumatay’ sa kanya: PLEASE STOP!

Kris nagsalita na sa kulam at sa mga 'pumatay' sa kanya: PLEASE STOP!

Kris Aquino

NAGSALITA na ang Queen of All Media na si Kris Aquino tungkol sa mga nagpapakalat ng fake news na nakulam siya at namatay na.

Nakiusap si Kris sa lahat ng netizens at vloggers na gumagawa ng content tungkol sa kanyang karamdaman, na kesyo dead na raw siya at nabiktima ng kulam.

Sunud-sunod ang pagpo-post ni Kris sa social media nitong weekend kung saan nagbigay siya ng update sa hinggil sa kanyang health condition.

Sa isa niyang Instagram post, nabanggit ng TV host-actress na meron siyang update na ilalabas pagkatapos sumailalim sa PET scan.

Sey ni Kris, napapagod na siya sa mga fake news na naglalabasan sa socmed  about her health condition kasabay ng pakiusap sa publiko na itigil na ang pagpapakalat ng pekeng balita.

“Matagal ko nang gustong tumira sa tabing dagat kasi yung simoy ng hangin sobrang nakakatulong, bukas na lang after my pet scan i will tell you the TRUTH because i am so tired of seeing i am dead, na itong healer ang may solusyon, na may kumulam sa kin – please STOP,” ang pahayag ni Kris.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Patuloy pa niya, “My faith in God’s mercy, in the salvation from Jesus Christ becoming man, and in Mama Mary’s mantle of protection – it remains strong.

“Let’s all continue to pray for everyone experiencing pain daily. Sana gumanda pa ang sahod ng mga govt health workers sa (Philippine flag emoji) para hindi na hangad ng marami ang mag trabaho abroad,” ang sey pa ni Kris.

Sa unang post ng TV host ay mapapanood ang video ng bunso niyang anak na si Bimby kasama ang singer-actress na si K Brosas, ang online show host na si Mama Loi at Tarlac Gov. Susan Yap.

Ayon kay Kris, naka-confine siya sa ospital para sa 2D Echo test at bago ito ay sumailalim muna siya sa PET (Position Emission Tomography) test.

“You are going to get a lot of Bimb. I am currently confined, now getting a 2D Echo. Tomorrow it’s my PET SCAN.

“I will give you a complete health update and we are choosing where we will be living kailangan ko ng fresh air and a cooler climate. The sea breeze will be wonderful may suggestions kayo?

“Currently I am a disenfranchised voter. Hindi ako nakaboto nung 2022 and I was in the (USA flag emoji) getting medical treatment for the Barangay elections. After you watch all my videos care of Bimb plus some (videos) for next week, please help me decide? Where will i be able to breathe fresh air?” pahayag pa niya.

Samantala, ibinahagi rin ni Kris na may bago na namang na-diagnose sa kanya na autoimmune disease, “In case you are counting i now have 9 diagnosed autoimmune diseases plus a 10th that came as a result of… (binitin niya).”

Sa isa namang hiwalay na video na kanyang ipinost ay mapapanood ang kanyang interview sa isang politiko. Sey ni Kris sa caption, “It felt so good, I haven’t interviewed anyone in about 4 years. This is the only interview i did- because malapit na.

“Please watch my first interview in years- i felt that i was home,” ani Kris.

The post Kris nagsalita na sa kulam at sa mga ‘pumatay’ sa kanya: PLEASE STOP! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments