Jean, Tessie, Vaness extra challenge ang pagiging nanay
Tessie Tomas, Jean Garcia at Vaness del Moral
HAPPY Mother’s Day sa lahat ng mga nanay na patuloy na nakikipaglaban para sa kanilang mga anak at buong pamilya kahit napakahirap ng buhay.
Saludo ang BANDERA sa mga inang hindi sumusuko sa laban ng buhay mabigyan lang ng magandang buhay ang mga anak, lalo na sa mga single mother.
Bilang pagse-celebrate ng Araw ng Mga Ina ngayong araw, May 11, nagbahagi ang cast members ng Kapuso Prime series na “Lolong: Pangil ng Maynila” na sina Jean Garcia, Vaness del Moral at Tessie Tomas ng kanilang saloobin sa pagiging nanay.
Game na game nilang sinagot ang mga question na may kinalaman sa kanilang pagiging ina.
Ano ang most fulfilling part ng pagiging nanay mo?
Jean: “‘Yung nakikita mo na maayos ang mga anak mo, na nagtatrabaho ka at nabibigay mo sa kanila ‘yung mga pangangailangan nila, hindi lang material, pati education.
“I’m a single mother at kahit wala akong partner sa buhay, I can say that I am fulfilled because nandiyan ang aking anak, kasama ko.
View this post on Instagram
“Kahit magkaroon sila ng family in the future, nand’yan pa rin ako, hindi ako mawawala. ‘Yan lang naman ang kayamanan ng isang ina.”
Tessie: “The best or fulfilling part of being a mother is having giving birth to someone na sana ay maging mabait na tao.
“Ang nanay kasi ang nagdadala ng sanggol sa kanyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan at siyempre, malaking hirap para ilabas mo ‘yung bata, at mapalaki mo nang tama at maging isang mabuting tao sa pamilya at sa lipunan.
“Ang fulfilling part sa ’kin, para sa only child ko, nakikita kong successful siya matapos siyang paaralin. Naging successful siya sa kanyang chosen career.
“I think it’s very important na mapatapos mo ng pag-aaral ang anak mo, at pangalawa, maging successful sa kanyang karera, sa kanyang trabaho.”
Vaness: “‘Yung kapag nakikita mo ‘yung progress ng anak mo, ‘yung milestones niya, ‘yung little by little, natuturuan mo siya kung ano ‘yung tama at kung ano ‘yung mali.”
Ano naman ang biggest challenge na naranasan mo bilang nanay at paano mo ito napagtagumpayan?
Jean: “‘Yung mapalaking maayos ang mga bata at mabigyan sila ng tamang aral – ‘yung may takot at faith sa Panginoon, ’yung maging mabuting tao sila, marunong rumespeto sa kapwa at palaging bukas ang puso para tumulong sa kapwa, ‘yung maituro kung ano ang turo sa Church at turo sa atin ng Panginoon – ‘yun siguro ang pinaka-challenging lalo na ngayong iba na ang generation.
“Ang importante lang naman siguro sa pagiging ina is ‘yung communication with each other and ‘yung pagiging open mo sa kanila. ‘Yung everything under the sun na pwede ninyo pag-usapan.
“Maaaring may mga sikreto at hindi pa sila handa, pero patience lang sa nanay na hintayin na maging ready. At the end of the day, sa ’yo at sa ’yo pa rin tatakbo ang mga anak mo.”
Tessie: “Sa anak ko, ang isa sa biggest challenge at kumbaga hapdi sa puso niya ay yung pagkakahiwalay namin ng daddy niya. Kasi nga sabi nya, ‘hindi mo lang alam mommy kung gaano kalungkot ang broken home.’
“Nagkaka-guilty conscience ka kapag ganyan. Kasi ngayon, ang daming problema ng mga bata. As a mother, it is important to know how you cope with that and how you try to help. Kaya naman, kailangan ibigay mo pa rin ang suporta mo.”
Vaness: “Hindi ako pasensyosong tao pero pagdating sa anak ko, kung kaya ko pang habaan ‘yung pasensya ko, hahabaan ko.
“Minsan may moments na ‘di mo na kaya, susukuan mo na lang. Ang gagawin ko minsan tataguan ko siya para hindi ko awayin o sabayan ‘yung tantrums niya.
“Didistansya ako sa kanya para mapakalma ko rin ‘yung sarili ko tapos mag-reflect kung ano ba ‘yung nararamdaman niya para maramdaman ko kung saan siya nanggagaling.”
The post Jean, Tessie, Vaness extra challenge ang pagiging nanay appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments