Isko Moreno nasungkit uli pagka-mayor ng Maynila – unofficial tally

TAGUMPAY ang actor-turned-politician na si Francisco Domagoso o mas kilala bilang si Isko Moreno na muling mahalal bilang mayor ng Lungsod ng Maynila.
Base sa lumabas na unofficial Comelec tally ng mga boto mula sa lungsod, nagkamit siya ng kabuoang 541,963 votes.
Tuluyan ngang natalo ni Isko ang dating kaalyado at ang incumbent mayor ng Maynila na si Honey Lacuna na pumangalawa naman matapos makakuha ng 192,759 votes.
Samantala, pumapangatlo naman si Sam “SV” Versoza na may botong 166,070 na sinundan nina Raymond Bagatsing at Michael Say.
Baka Bet Mo: Isko Moreno inisip ang milyon-milyong Manilenyo kaya nangutang noong pandemya
View this post on Instagram
Marami naman sa mga Manilenyo ang nagdiwang sa muling pagbabalik ni Isko bilang “Yorme” ng Maynila.
Narito ang mga komento ng netizens sa pagkapanalo ni Isko.
“Congratulations Manila [emojis] linis na ulit! [emojis]”
“Balwarte talaga ni isko ang manila.”
“Manila will be great again.”
Matatandaang inihalal si Isko bilang ika-23rd na alkalde ng Maynila matapos niyang matalo ang dating Pangulo at incumbent Manila mayor na si Joseph “Erap” Estrada.
Matapos ang termino ay nagdesisyong tumakbo ang actor-politician sa pagkapresidente ng bansa noong 2022 national elections ngunit nabigo itong manalo.
The post Isko Moreno nasungkit uli pagka-mayor ng Maynila – unofficial tally appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments