Responsive Ad

Freddie Aguilar naghabilin kay Jovie Albao bago pumanaw: ‘Don’t cry’

Freddie Aguilar naghabilin kay Jovie Albao bago pumanaw: 'Don't cry'

Jovie Albao at Freddie Aguilar

FEELING ni Jovie Albao, naging “peaceful” ang unang araw ng kanyang asawang si Freddie Aguilar sa libingan nito sa Manila Islamic Cemetery.

Inihatid agad ang labi ng OPM legend sa kanyang huling hantungan alinsunod sa Islamic rites kamakalawa, May 27, 2025 kaya wala nang burol na naganap.

Bilang isang Muslim, isinagawa ang Islamic burial para kay Ka Freddie o Abdul Fareed (Muslim name ng singer-songwriter) sa Manila Islamic Cemetery.

Ang paglilibing sa isang Muslim sa mismong araw ng kanyang pagpanaw ay base sa Islamic rites na nagtatakda na maihatid siya sa huling hantungan sa loob ng 24 oras bilang respeto.

Sa kanyang Facebook page, muling nag-post si Jovie ng kanyang litrato na kuha sa harapan ng puntod ni Ka Freddie kalakip ang emosyonal na mensahe para sa namayapang asawa.

“I understand that the hardest night for a person is the first night in the grave. However, I am not here out of worry.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I am confident that, due to your faith in Allah, your first night was peaceful. I am here to rest,” simulang pagbabahagi ng naulilang misis ng premyadong singer-songwriter.

Pagpapatuloy pa niya, “I tried to sleep at home, but our house doesn’t feel like home without you. I know you said ‘don’t cry’ the night before you go.

“But just like I tend to cry more when you console me, I will shed a few more tears today, tomorrow, and every time I think of you until I can smile again when I think of you,” pagbabahagi pa ni Jovie.

Sa isa pa niyang FB post, nangako si Jovie sa namayapang asawa sa gitna ng kanyang pagluluksa. Hindi raw niya itinuturing na pamamaalam ang pagkamatay ni Ka Freddie at umaasa siya na muli silang magkikita sa “paraiso” sa takdang panahon.

“I will live a good life so I can meet you in Jannah. Inna Lillahi wa inna ilayhi raji’un, to Allah we belong and to Allah we shall return.

“This is not goodbye, just farewell for now. Mahal na mahal kita, hanggang sa muli bhabe.

“It was a good fight, because we are fighting together,” ang nakalagay sa caption ng ibinahaging litrato ni Jovie kasama si Ka Freddie.

The post Freddie Aguilar naghabilin kay Jovie Albao bago pumanaw: ‘Don’t cry’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments