Encantadia nagdiwang ng 20 years, hirit ng OG Sang’gre: Avisala Eshma!
Angel Guardian, Kelvin Miranda, Faith Da Silva at Nunong Imaw
AFTER ng sunud-sunod na cast reveal para sa upcoming serye na “Encantadia Chronicles: Sang’gre” ay ipinagdiwang ng GMA ang 20th anniversary ng iconic series.
Nagkaroon ng “Sang’gre for a Day” kung saan nakasama ng ilang mga empleyado ang new generation of Sang’gre na sina Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Faith Da Silva, pati na rin ang iconic character na si Nunong Imaw.
Kasunod nito ay nagkaroon ng live discussion ang headwriter na si Onay Sales at direktor ng series na si Enzo Williams kasama ang mga Encantadiks kung saan sinariwa nila ang mga paboritong eksena at mga aabangan sa “Sang’gre.”
Samantala, nagbigay naman ng kani-kanilang mensahe ang mga naunang gumanap na Sang’gre na sina Iza Calzado, Karylle, at Diana Zaburi bilang paggunita sa makasaysayang serye.
Sey ni Iza, “Can’t believe it’s been 20years! Hasne Ivo Live, Encantadia.”
View this post on Instagram
Habang pasasalamat naman ang pinahayag ni Karylle sa kanyang Instagram post, “Alena lives on in every single happy interaction I have with someone who spent their childhood with us.
“I thank every single one of you who ever took the time to tell me about your childhood,” aniya pa.
Sey naman ni Diana, “Una kong teleserye ang Encantadia, wala ako ka alam alam dito pero minahal niyo si Danaya. Happy 20 years sa lahat nang mga Ashti.”
Avisala Eshma sa dalawang dekadang mahika. Happy Anniversary sa lahat ng Encantadiks. Abangan ang “Encantadia Chronicles: Sang’gre” sa GMA Prime, malapit na malapit na!
* * *
Sa pagkakataong ito, may tsansang manalo ang mga loyal Kapuso ng mahigit sa P11 milyon na papremyo.
Bukod sa pitong masusuwerteng mamimili at sari-sari store owners na may tsansang manalo ng P1 million na grand prize, maaari ring makapag-uwi ng Pangkabuhayan Package mula sa Puregold na nagkakahalaga ng P50,000!
Siyempre pa, hindi rin mawawala ang daily cash prizes na P1,000 at weekly prizes na P7,500 at P75,000!
Bisitahin lamang ang https://ift.tt/5OATkQ3 para malaman ang kumpletong contest mechanics.
The post Encantadia nagdiwang ng 20 years, hirit ng OG Sang’gre: Avisala Eshma! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments