Dennis walang inendorsong kandidato; Rei Tan pinatunayan kabutihan ng DenJen
Rhea Anicoche Tan, Dennis Trillo at Jennylyn Mercado
DESISYON ng Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na hindi mag-endorso ng sinumang kandidato ngayong midterm elections.
Nais lamang daw nilang iwasan ang usaping politika lalo pa’t alam nila na may mangnenega at mamba-bash sa kanila kahit ano pa ang sabihin nilang mag-asawa.
Pero hindi naman daw ibig sabihin nito na sala silang pakialam sa magaganap na eleksyon sa bansa sa darating na Lunes, May 12. Incidentally, birthday din ni Dennis sa nasabing petsa.
Sa pakikipagchikahan ng ilang miyembro ng showbiz press kay Dennis pagkatapos ng contract signing niya bilang newest celebrity ambassador ng Beautéderm Corporation, natanong siya kung may ineendorso ba siyang kandidato sa eleksyon?
“Wala, wala, wala. Pinili namin na maging neutral pagdating diyan, lalo na sa politika,” sagot ng premyadong aktor.
“Mahirap na kasi minsan, e, pag meron kang pinanigang isang ano at nalaman ng ibang tao, tapos hindi naman nila kandidato yun.
View this post on Instagram
“Halimbawa, maaari kang…alam mo yun, masabihan nang hindi maganda, depende sa paniniwala nila,” paliwanag ng Kapuso Drama King.
Ito naman ang message niya para sa sambayanang Filipino ngayong eleksyon, “Mensahe ko sa kanila, siguro, ito lang yung isa sa mga pagkakataon na maaaring mapakinggan yung inyong mga desisyon.
“Ma-exercise yung inyong karapatan lalo na sa pagpili ng mga mamumuno sa pamamagitan ng pagboto.
“So, gamitin nila yun na wisely, bihira lang nila yon mae-exercise. Bihirang mangyari kaya i-maximize nila. Piliin nilang mabuti kung sino sa tingin nila ang makakatulong talaga,” lahad ni Dennis.
Samantala, pormal na ngang ipinakilala ng President at CEO ng Beautedérm na Ms. Rhea Anicoche-Tan ang bagong ambassador ng Zero Filter Sunscreen ng Belle Dolls.
Hindi raw nagdalawang-isip si Dennis na tanggapin ang offer ni Rei Tan dahil naniniwala siya sa naturang mga produkto dahil napatunayan niyang epektib ito.
Inamin ng aktor na naimpluwensiyahan siya ng kanyang asawang si Jennylyn Mercado sa paggamit ng mga product ng Beautéderm.
“Kung ano ‘yung effective kay Jen, kapag nakita ko, isine-share niya sa ‘kin. Kapag naging effective sa akin, tinutuloy-tuloy ko na ang paggamit.
“Malaki ang impluwensiya sa akin sa akin ni Jen sa pagkakaroon ng skin care routine,” ani Dennis.
Isa sa mga nagustuhan ni Dennis sa Zero Filter ay napaka-light i-apply sa mukha. Hindi raw tulad ng iba, hindi ito mahapdi sa mata kahit pagpawisan pa siya.
“Pagkalagay after a few minutes parang feeling ko walang nakalagay sa mukha,” sey ng aktor.
Ipinaliwanag naman ni Ms. Rhea kung bakit si Dennis ang napili niyang maging endorser ng Belle Dolls, “Kailangan din nating pagamitin talaga ‘yung mga lalaki. Literal na nag-survey ako, ‘yung mga lalaki, kung ano ‘yung sabon sa mukha, ‘yun na rin ang sabon sa katawan hanggang sa ibaba.
“Gusto kong i-push ang mga lalaki na gumamit, gaya ni Dennis, ang daming series, ang daming pelikula. Nakakalimutan natin na ang the best anti-aging secret ay sunscreen,” sabi pa ng matagumpay na lady boss.
Napatunayan din daw ni Ms. Rhea ang pagiging totoong tao nina Dennis at Jennylyn na kahit big stars na raw ay napakabait at napaka-humble pa rin.
The post Dennis walang inendorsong kandidato; Rei Tan pinatunayan kabutihan ng DenJen appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments