Davaoeño kinubra na ang kalahati ng P22.4-M jackpot sa Super Lotto 6/49

KINUBRA na ng lucky bettor ang kanyang premyo matapos mapanalunan ang P22.4 million jackpot sa Super Lotto 6/49 na binola noong April 29, 2025.
Isang manggagawa mula sa Davao City ang isa sa masuwerteng winner ng Super Lotto 6/49 winning numbers na 24-02-10-09-25-05.
Naiuwi niya ang kalahati ng P22,432,132.60 jackpot prize. Ang winning ticket nito ay mula sa lotto outlet sa isang mall sa Davao City.
Ayon sa lotto winner, base sa panayam sa kanya ng PCSO, noon pang 2022 niya tinatayaan ang mga naturang numero na base sa petsa ng mga kaarawan ng kanyang pamilya.
Sa tanong kung paano ba niya gagamitin o gagastusin ang kanyang napanalunang milyones, “Sa ngayon po hindi ko pa naiisip, kung ano ang gagawin ko sa aking napanalunan kaya pansamantala ipapasok ko muna sa bangko.”
Ang Super Lotto 6/49 ay binobola ng PCSO tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.
Para makubra ang premyo, kailangang magtungo ang naka-jackpot sa opisina ng PCSO sa Mandaluyong City bitnbit ang winning ticket at dalawang valid ID.
Muling ipinaalala ng PCSO sa publiko na ang lahat ng premyong hindi makukuh sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola ay mapupunta lahat sa kawanggawa.
The post Davaoeño kinubra na ang kalahati ng P22.4-M jackpot sa Super Lotto 6/49 appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments