Moira dela Torre nilinaw ang dahilan ng pag-iyak, hindi dahil ‘binato’
NILINAW ng singer-songwriter na si Moira dela Torre ang mga kumakalat na balita patungkol sa viral bottled water incident kamakailan habang siya ay nagpe-perform sa mall.
Aniya, hindi naman siya sinadyang batuhin ng boteng may laman na tubig bagkus ito raw ay aksidenteng nalaglag mula sa itaas na palapag ng mall.
Matatandaang nag-viral at naisulat na naman rito sa BANDERA ang insidenteng naganap habang si Moira ay kumakanta ng kanyang hit song na “Tagpuan” nang biglang may boteng nalaglag mula sa taas ng mall at muntik na siyang matamaan.
Marami kasi ang nag-ugnay sa naturang insidente na may nagsadyang bumato sa kanya ng bote na may tubig dahil sa mga isyung kinasasangkutan niya.
Baka Bet Mo: Moira dela Torre muntik nang tamaan ng bote ng tubig habang nasa mall show
View this post on Instagram
“At saka hindi ako binato ng bote, okay? Nabato lang, nabato tuloy, nalaglag lang ‘yun,” paglilinaw ni Moira.
Bukod pa rito, ipinaliwanag rin ni Moira ang dahilan sa kanyang naging pag-iyak habang nagpe-perform sa naturang mall show.
Dumalaw raw kasi sa kanya ang bestfriend niya habang nagpe-perform siya kaya hindi niya napigilan ang maging emosyonal.
“At saka hindi ako umiyak dahil nabato ako ng bote, umiyak ako kasi sinurprise ako ng best friend ko.”
The post Moira dela Torre nilinaw ang dahilan ng pag-iyak, hindi dahil ‘binato’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments