Piolo naniguro, Vic malakas ang laban sa pagka-best actor sa MMFF 2024
PURING-PURI ng Kapamilya Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual si Bossing Vic Sotto bilang co-star sa Metro Manila Film Festival 2024 entry nilang “The Kingdom.”
Fan na fan ang datingan ng award-winning actor habang nagkukuwento tungkol sa naging experience niya working with the iconic TV host and comedian.
“I’ve always been a fan. Kapag nakikita ko siya, para akong nangangarap. It was like living my dreams, you know, ang makasama ko ang isang Vic Sotto. Wow!” ang simulang paglalarawan ni Papa P kay Vic sa grand mediacon mh “The Kingdom” nitong nagdaang Biyernes, November 29.
Ito ang unang pagkakataon na nagsama sa isang acting project sina Bossing at Piolo kaya naman ngayon pa lang ay abangers na ang kanilang mga supporters sa 50th edition ng MMFF.
Baka Bet Mo: Piolo, Vic bardagulan sa drama at aksyon sa ‘The Kingdom’: Epic ‘to!
Natanong si Piolo kung kumusta si Vic bilang katrabaho at bilang tao, “Naku, hindi tayo matatapos. Sobra akong fan ni Bossing. Bata pa lang ako, pinapanood ko na all his films, his TV shows.
“And to be able to act alongside this guy, an icon, for that matter, totoo bang nangyayari ito?
View this post on Instagram
“It’s very surreal for me until now and it’s such a privilege to see firsthand, the kind of person that he is, on and off-cam. Totoo ang sinasabi ng mga tao—simpatico, napakabait sa set,” sabi pa ni Papa P na sinundan ni Bossing ng, “Boy-next-door!”
“Yes, boy-next-door (sabay ngiti). As an actor, mas humanga ako sa kanya nang sobra, because just the same for me, my role is very hard, but even Bossing helped me to just really focus on my character.
“Hindi siya nagdyu-joke sa set. Parang baguhang artista ba. Hindi siya yung ‘know it all.’ Ang dami niyang tanong kay Direk Mike (Tuviera).
“Yung pagmamahal niya sa craft, i-a-admire mo. Kasi, sa tagal niya sa industriya, hindi na kailangan, e. But because he loves what he’s doing, that’s why he had so much of my respect,” aniya pa.
Nakilala talag si Piolo sa pagdadrama kaya natanong din siya kung paano niya ia-assess si Bossing Vic bilang isang dramatic actor.
View this post on Instagram
“I think, it also helps na this is our first time together and in a film acting for that matter. Napapanood ko lang siya sa TV. Sa Enteng Kabisote, Okay Ka Fairy Ko, I have to say, I saw the King. I saw the Lakan. He didn’t break the character, not once,” ani Papa P naa ang tinutukoy ay ang karakter ni Vic sa “The Kingdom” bilang Lakan Makisig, ang hari ng Kingdom ng Kalayaan.
“Once na naka-costume siya, hindi ko siya makakausap. Nasa isang tabi, studying his lines. He’s really a pro. So, you have to give your best as well.
“Kasi bihira kang makatrabaho ng isang katulad ni Bossing Vic Sotto na tinitingala ng lahat.
“Hindi dahil lang sa galing, kung hindi dahil sa tagal na rin niya sa industriya. He knows what he’s doing, but he’s always up for the challenge.
“So, sobra talaga ang respect ko sa kanya. At sobra kong na-enjoy ang mga eksena namin. Hindi ka matatawa, madadala ka pa lalo.
“So, he really proves to us that he’s a chameleon. So matutuwa kayo at mapa-proud kayo sa ginawa ng isang Vic Sotto rito sa The Kingdom,” sabi pa niya.
Yes na yes naman ang sagot ni Piolo nang matanong kung may laban ba si Bossing sa pagka-best actor sa “The Kingdom.”
Showing na ang “The Kingdom” sa December 25 mula sa MQuest Ventures, MZet Entertainment at APT Productions. Ka-join din sa movie sina Cristine Reyes, Sue Ramirez, Cedric Juan, Nico Antonio, Zion Cruz at Sid Lucero.
The post Piolo naniguro, Vic malakas ang laban sa pagka-best actor sa MMFF 2024 appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments