Responsive Ad

Arjo, Julia deserve mag-best actress at best actor sa MMFF entry na ‘Topakk’

Arjo, Julia deserve mag-best actress at best actor sa MMFF entry na 'Topakk'

TOTOONG-TOTOO ang mga naging review ng manonood sa MMFF 2024 official entry na “TOPAKK” nina Cong. Arjo Atayde at Julia Montes na ito na ang pinakamaganda, pinakamaaksyon at pinakamagastos na Pinoy action-drama movie nitong mga nagdaang taon.

Napanood namin ang pelikula na mula sa Nathan Studios sa naganap na celebrity screening sa Gateway Mall Cinema 11 na dinaluhan ng cast members at ng mga naglalakihang celebrities na sumuporta sa naturang MMFF entry.

Nakita namin doon ang partner ni Julia in real life na si Coco Martin, ang wifey ni Arjo na si Maine Mendoza, Diamond Star Maricel Soriano, Rosanna Roces,Lorna Tolentino, Boss Toyo at marami pang iba.

Pinatunayan nina Arjo at Julia pati na ng lahat ng artista at ng production ng pelikula, mula sa direksyon ni Richard Somes na karapat-dapat itong makapasok at lumaban sa 50th edition ng MMFF.

Baka Bet Mo: Maine, Arjo nagpasabog ng kilig sa Eat Bulaga: Happy wife, happy life!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bukod sa palaban at bardagulang aktingan mula sa mga bida hanggang sa mga kontrabida ay panalung-panalo ang pasabog na aksyon ng “TOPAKK”, lalo na ang ending nito kung saan nagharap-harap na ang mga karakter nina Arjo, Julia, Sid Lucero at Bernard Palanca!

Gusto uli naming palakpakan ang ipinakitang akting nina Arjo at Julia sa pelikula na deserving ma-nominate at manalo sa pagka-best actor at best actress sa darating na MMFF 2024 Gabi ng Parangal.

Tama ang sinabi ni Sylvia Sanchez na hindi sila nagkamali sa pagpili kay Julia para maging bahagi ng “TOPAKK.”

Dahil sa mga buwis-buhay na stunts at action scenes ni Julia, pwedeng-pwede na nga siyang tawaging Bagong Action Queen! Grabe ang mga ipinagawa ni Direk Richard sa aktres.

Imagine, talagang nakipagbugbugan at nakipagbarilan si Julia sa mga kalaban. In fairness, maaawa kayo sa kanya habang pinanonood ang movie pero bibilib din kayo dahil hindi rin siya nagpapatalo.

As expected, hindi mo pa rin matatawaran ang galing ni Arjo bilang aktor. Dito muli niyang pinatunayan na siya talaga ang best actor ng kanyang henerasyon.

Napakaraming layer ng ipinakitang akting ng aktor sa kanyang role bilang isang sundalong nagkaroon ng PTSD o post traumatic stress disorder dahil sa pagpatay ng mga rebelde sa kanyang mga katropa sa military.

Deserved din ni Sid Lucero na ma-nominate at mag-win sa pagka-best supporting actor! Grabe yung mga eksena niya sa ending! (No spoiler muna).

Kaya kung na-miss n’yo ang action movie na may puso at may makabuluhang mensahe at tema, watch na kayo ng “TOPAKK” sa darating na Pasko!

Sabi nga ng Teleserye King na si Coco Martin, “SALUDO AKO! YAN ANG AKSYON!”

Showing na sa December 25 ang “TOPAKK” bilang bahagi ng 50th edition ng MMFF. Kasama rin sa movie sina Enchong Dee, Paolo Paraiso, Cholo Barretto, Jeffrey Tam, Maureen Mauricio, Anne Feo, Vin Abrenica at marami pang iba.

The post Arjo, Julia deserve mag-best actress at best actor sa MMFF entry na ‘Topakk’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments