Responsive Ad

Rochelle, Arthur gusto nang magka-baby uli pero may problema…

Rochelle, Arthur gusto nang magka-baby uli pero may problema

Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap at Shiloh

IPINAGDARASAL ng mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap na sana’y biyayaan pa sila ni Lord ng isa pang anak.

Gustung-gusto na raw ng Kapuso celebrity couple na masundan ang panganay nilang si Shiloh na 5 years old na ngayon.

Hindi lang daw sila ang humihiling ng second baby kundi pati na rin si Shiloh ay nangungulit sa kanyang parents na sana’y bigyan na siya ng baby sister or baby brother.

Sa panayam kay Rochelle ng “Updated with Nelson Canlas” podcast ay napag-usapan ang tungkol sa muli niyang pagbubuntis.

Baka Bet Mo: Rochelle aminadong selosang misis, Arthur kalmado lang: ‘Bakit lahat ng pictures, magkatabi kayo, ano ‘to?’ May ganu’n ako

“Naku, pinaplano namin ‘yan, hindi namin maplano. Palatanong ‘yung isa (Shiloh), ‘Where are you going?’ Tapos iiyak siya. Ano’ng gagawin namin?

“Tapos kahit kausapin siya tapos hihingian niya kami ng baby sister, baby brother, ayaw naman kami bigyan ng me time,” ang sey ni Rochelle sabay tawa.


Sa tanong kung nasa priority list na nila ang magkaroon ng ikalawang anak, tugon ni Rochelle, “Gusto namin, pinagpe-pray naming dalawa.

“Siyempre medyo malaki na si Shiloh so nakakausap na, nakakaintindi na, siya na nga umiinom mag-isa ng gamot niya kapag may sipon siya e, alam na niya, 5 ml, siya na.

“Siya na rin nagne-nebulize sa sarili niya, sinasaksak niya,” chika pa ng Kapuso star na gabi-gabing napapanood sa “Pulang Araw.”

Inamin ni Rochelle na totoong nahati ang atensiyon at oras niya sa kanyang mag-ama na umabot pa nga sa puntong kinausap siya ni mister para paalalahanan na siya  ang asawa nito.

Wala naman daw issue kay Arthur ang pagiging hands-on nanay ni Rochelle pero san raw ay maglaan din ang actress-dancer ng kahit kaunting panahon para sa kanilang mag-asawa.

Pag-amin ni Rochelle, “Hindi na nga kami nakakapag-date e, so siyempre, parang pagdating niya sa bahay, ‘yung yakapin mo man ako, ‘yung pag dumarating ako, aalis ako, hatid mo naman ako.”

Diretsahan namang sinabi ni Rochelle na isa siyang traditional wife at ang totoong love language niya ay ang pagsisilbi kay Arthur.

The post Rochelle, Arthur gusto nang magka-baby uli pero may problema… appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments