Responsive Ad

Pinay sa US nabiyayaan ng P5.4M matapos tumulong sa ‘stranger’

Pinay sa US nabiyayaan ng P5.4M matapos tumulong sa 'pulubi'

Lani Benavidez

VIRAL ngayon ang video ng isang Pinay na naninirahan sa Chandler, Arizona matapos mabiyayaan ng tumataginting na P5.4 million.

Dahil sa kabutihan ng kanyang puso, dumagsa ang pagdating ng tulong at blessing kay Lani Benavidez, na tubong-Naic, Cavite na naka-base na sa Arizona.

Base sa napanood naming video, nasa Walmart, Chandler, Arizona si Lani nang lapitan siya ng isang lalaki na nanghihingi ng limos sa kanya para maipambili ng pagkain.

Sabi ng lalaki, buong araw na raw siyang hindi kumakain at kung maaari ay bigyan siya ng kahit magkano para makabili siya ng isang box ng cereal.

Baka Bet Mo: Jimmy Santos biglang umapir sa ‘E.A.T.’ ng TV5, Dabarkads naging emosyonal: ‘Whatever happens in this country, I still love you all, 3 times a day!’

Kasunod nito, inabutan ni Lani ng $2 o mahigit P100 ang nanghihingi ng limos at wala siyang kaalam-alam na nasa isang social experiment pala siya para sa temang “acts of kindness” online.


Ang nasa likod nito ay ang kilalang social media influencer na si Jimmy Darts na siya ring nagpanggap na pulubi na na lumapit kay Lani.

Sinorpresa ni Jimmy si Lani at inabutan ng box of cereal na may lamang $1,000 o mahigit P58,000. Napaiyak sa gulat at tuwa ang Caviteña nang malaman ang ginawa ng content creator.

Naikuwento ni Lani na kapos din sila ngayon dahil sa kanyang asawa na nakikipaglaban sa cancer.

Pagkatapos bigyan ng tulong pinansiyal si Lani, nag-launch ng fundraising campaign si Jimmy para mas dumami pa ang makapagbigay ng assistance sa ating kababayan.

Samantala, sa isang follow-up video, nagtungo rin nang personal si Jimmy sa Dollar Tree kung saan nagtatrabaho si Lani at iniabot ang pera mula sa kanyang fundraiser na umabot sa $50,000 o P2.9 million.

At sa ngayon, umabot na raw sa $93,000 o P5.4 million ang donasyon na natanggap ni Lani sa pamamagitan ng kanyang bank account.

“Every day may pumapasok sa bank account ko hanggang ngayon. I am grateful kasi hindi kami pinababayaan ng Diyos,” aniya.

Sa isang interview naman nag-react ang anak ni Lani na si Kyle tungkol viral video ng ina, “Watching my mom in one of Jimmy’s videos made me cry a lot and feel that there are still beautiful people in the world.”

Ito naman ang naging sagot niya sa tanong kung ano ang most important lesson na itinuro sa kanya ng ina, “Whatever your feelings are, always be courteous to others and help them since you never know who will help you in return.”

The post Pinay sa US nabiyayaan ng P5.4M matapos tumulong sa ‘stranger’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments