‘Ofel’ palabas na ng bansa anumang oras, pero posibleng pumasok uli?
ANUMANG oras ngayong araw, November 15, inaasahang lalabas na ng ating bansa ang Bagyong Ofel.
Huli itong namataan sa layong 100 kilometers hilaga ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas na hanging 120 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 150 kilometers per hour.
Kasalukuyan itong kumikilos sa bilis na 20 kilometers per hour papunta sa bahagi ng kanluran.
Kahit lumabas na sa ating teritoryo, Sinabi sa 5 a.m. weather report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na itataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signals dahil ang bagyo ay posibleng pumasok ulit habang lumiliko patungo sa southern Taiwan.
Baka Bet Mo: Ate Vi pumalag sa fake news, nasaan daw sa kasagsagan ng bagyong Kristine
So ang ibig sabihin niyan, ang Bagyong Ofel ay mananatili sa Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang sa natitirang forecast period nito.
Maraming lugar pa rin ang nasa Signal No. 3, kabilang na riyan ang western portion ng Babuyan Islands (Calayan, Is., Dalupiri Is., Fuga Is.), northwesternmost portion ng mainland Cagayan (Claveria, Santa Praxedes), at northernmost portion ng Ilocos Norte (Pagudpud).
Signal No. 2 ang nalalabing bahagi ng Babuyan Island, northwestern portion ng mainland Cagayan (Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros), northern portion ng Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela), at northern portion ng Ilocos Norte (Piddig, Bacarra, Adams, Dumalneg, Vintar, Bangui, Burgos, Pasuquin, Carasi).
Naka-Signal No. 1 naman ang Batanes, the rest of Cagayan, northern portion ng Isabela (Quezon, Cabagan, Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Santo Tomas, Delfin Albano, Tumauini), the rest of Apayao, Kalinga, northern and central portions ng Abra (Manabo, Pidigan, Tayum, Langiden, Boliney, Sallapadan, Bucloc, La Paz, Peñarrubia, Dolores, Bangued, Bucay, Daguioman, Lacub, Tineg, Lagayan, Licuan-Baay, Malibcong, San Juan, Lagangilang, Danglas), the rest of Ilocos Norte, at northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, San Ildefonso, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Vicente).
The post ‘Ofel’ palabas na ng bansa anumang oras, pero posibleng pumasok uli? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments