Mga anak ni Mary Jane Veloso nakatanggap ng scholarship
BINIGYAN ng scholarship ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga anak ni Mary Jane Veloso.
Sa inilabas na report ng GMA News Online, isang full scholarship program ang ipinagkaloob sa dalawa nito g anak na sina Mark Daniel (22 years old)c at kay Mark Darren (16 years old),
Para sa mga hindi aware, si Mary Jane ay isang Overseas Filipino Worker na nasentensyahan ng bitay sa Indonesia noong 2010.
Nahulihan kasi ito ng ipinagbabawal na droga sa naturang bansa na dulot ng pananamantala umani ng illegal recruiters sa kanya.
Baka Bet Mo: Ina ni Mary Jane Veloso natatakot sa pag-uwi ng anak sa Pinas
Ayon pa sa TESDA, hindi lang ang mga anak ni Mary Jane ang maaaring makatanggap ng scholarship kundi pati ang kanyang mga kamag-anak at kapitbahay dahil maaari silang sumali sa programa ng TESDA.
“Pu-pwede po natin mabigyan ng training program silang magkakamag-anak dito, even ‘yung mga kapitbahay nila dito, para mabuo natin ‘yung isang batch, kung gusto nila puwede natin i-conduct dito sa mismong barangay nila,” saad ni Alvin Yturralde, TESDA Director.
Nakatanggap rin ng tulong pinansyal ang pamilya ni Mary Jane mula sa Department of Migrant Workers.
Matatandaang nitong buwan lamang nang ibalita ni Pangulong Bongbong Marcos na pumayag na ang Indonesian government na ililipat na sa Pilipinas ang kanyang pagkakakulong.
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang panawagan kung anong kakahinatnan ng kapalaran ni Mary Jane pagbalik ng bansa.
Ayon kasi kaa Indonesian government nakasalalay sa gobyerno ng Pilipinas ang sentensya sa kanya dahil wala na ang parusang death penalty sa bansa.
The post Mga anak ni Mary Jane Veloso nakatanggap ng scholarship appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments