Melai nangakong hindi lilipat ng TV network; sobrang natakot kay JK, bakit kaya?
SA pagbubukas ng Season 2 ng online show ni Melai Cantiveros-Francisco na “Kuan on One” sa Nobyembre 12 ay si JK Labajo ang special guest niya at inaming sobra siyang natakot.
“Talagang natakot ako kay JK kasi baka manuntok siya ha ha, kasi masyado ba akong kampante sa mga tanong ko na personal na hindi yata puwedeng matanong pero natanong ko at sinagot naman niya ng diretso. So, medyo kinabahan ako, abangan ninyo ‘yung episode sa November 12,” chika ng komedyanang host.
Bukod kay JK ay guest din niya sina Morisette, mag-inang Sylvia Sanchez at Gela Atayde.
Sa personalidad na may kinalaman sa sports ay nakapanayam niya ang small but terrible volleyball player na si Sisi Rondina ng Choco Mucho Flying Titans at makakasama niya ang content creator, Bisaya host mula sa Davao na sina Chito Samontina at Davao Conyo.
May panayam din si Melai sa Drag Race Queens na sina Hana Beshie at Khianna isama rin sina Pinoy Big Brother housemates na sina Jas Dudley-Scales at Binsoy Namoca.
Baka Bet Mo: JK Labajo hinding-hindi magpapadirek kay Darryl Yap: ‘I don’t want to work with him’
Isa sa pangarap ni Melai na makapanayam din ay ang dating senador na si Manny Pacquiao.
“Gusto ko itanong kay Sir Manny Pacquiao na ano ang feeling na ganito ka-powerful yet very humble. Hindi mo ‘yan makataan ng mga alahas sa katawan, di ba? Isang relo lang yan (suot), so, gusto kong malaman kung anong wisdom ang makukuha sa kanya kasi kahit mayaman na sila pag nas abahay ay nandoon pa rin ang pagka-Bisaya, eh.
“At si Paris Hilton sa international pero Bisaya ba siya (tawanan ang lahat). Basta kung sino ang Bisaya (doon),”opinyon ni Melai.
Sa season 1 ng “Kuan on One “ay nakuwento ni Melai ang natutunan niya sa lahat ng interview niya.
“Lahat pala ng kalungkutan or mga kaganapan ng mga nakakatakot or mga problema lumilipas lang kasi lahat ng nai-interview ko nae-air nila ‘yung problema nila, ‘yung mga takot nila, ‘yung mga kalungkutan nila.
“Kitang-kita naman ngayon kung gaano na sila ka-successful kaya sabi ko, ‘in fairness naman talaga no’ lumilipas talaga ang lahat.
“Minsan nga may mga problema nga na naso-solve lang nang kanya nang hindi mo sino-solve kaya dapat talaga, no time tayo na mag-worry, no time tayo na mag-overthinking, enjoy life in a right way,” kwento ni Melai.
‘Huwag daw tambayan ang problema.
Samantala, isa si Melai sa prime artist ng Kapamilya network kaya naman muli siyang ni-renew at sabi nga niya na kung sakaling hindi na siya kailangan ng ABS-CBN ay babalik na lang siya sa General Santos City o Gensan at magne-negosyo na lang kaysa lumipat ng ibang network. Ganu’n daw ka-loyal ang big winner ng Pinoy Big Brother Double Up noong 2009.
Kaya naman natanong ang komedyanteng host na sa rami ng naging shows niya at achievements sa buhay ay nanatiling humble at ang idinahilan niya ay ang pamilya niya.
“My family keeps me grounded, siyempre pag-uwi ng bahay ay nire-remind talaga sa akin ni Jason (Francisco -asawa) na ‘huy ‘wag ka magfeeling-feeling’ tsaka may family din sa Gensan na keeps me grounded na alam ko naman ang sitwasyon ng mga pinsan ko, ng family ko at alam kong hindi ito (showbiz) pang habambuhay (pero) nage-enjoy din ako sa buhay kung anong meron ako ngayon,” sey ni Melai.
At bilang PBB big winner ay nagsabi siya sa mga bagong taga-PBB na kung may gusto silang malaman o tulong ay tanungin si Melai at kung ano ang kaya nitong itulong ay gagawin niya.
“Sabi ko, i-message n’yo lang si ate Melai n’yo at nandito ako, kasi sila naman ang next generation na papalit sa akin,” punto ng TV host.
At kung dati-rati’y ay kinukorek siya sa pronounciation at accent dahil nga Bisaya siya ay ngayon ay hindi na dahil sa programa niyang “Kuan on One” na maraming nakakapanood nito kahit hindi mga Bisaya ay natutuwa sila kay Melai kaya deserved nitong magkaroon ng season 2 at sana umabot pa ng ilang tao.
Sambit ni Melai, “Bisaya is my first language… that is where I began. Kapag doon ka talaga nanggaling kahit pumunta ka pa (kung saan-saan), hindi matatanggal ang pagka-Bisaya mo. They will understand na ganito pala ang mga Bisaya, hindi sila galit, ‘yung mukha nila, mukha lang galit pero maintindihan nila deep down na ganito lang ang mga Bisaya, masiyahin lang kami. Good vibes lang kami.”
Anyway, mapapanood ang “Kuan-On-One” sa Nobyembre 12 sa iWantTFC at. ABS-CBN Entertainment YouTube channel.
The post Melai nangakong hindi lilipat ng TV network; sobrang natakot kay JK, bakit kaya? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments