Hugot ng fresh grad sa starting salary: P40k lang? Parang ang baba!
KUNG bagong graduate ka at may nag-offer sa ‘yo ng trabaho na ang starting salary ay P40,000 — kakagatin mo ba o feeling mo mas deserving ka sa mas malaki pang sweldo?
Iyan ang sentrong isyu ng nag-viral na Facebook post mula sa isang fresh graduate na nabababaan sa starting salary na job offer sa kanya ng isang kumpanya.
Ayon sa uploader ng naturang FB post, hindi siya makapag-decide kung tatanggapin niya ang inaalok sa kanyang trabaho o hindi dahil nga ang feeling niya ay hindi sapat ang tatanggaping sweldo.
“First job offer ko ever, pero… 40k lang? Parang ang baba, no? Alam niyo yung feeling? Fresh grad, bagong salang sa job hunting, tapos may offer agad—40k sweldo.
“Pero parang mababa considering lahat ng pagod at puyat sa school, diba? Worth it ba ‘to o masyado akong nagse-settle?” ang hugot ng naturang netizen.
Baka Bet Mo: Paul Soriano ibinandera ang katapangan ng asawa: ‘Toni is probably the most powerful celebrity today!’
Base sa mga comments ng netizens, marami ang nagsabi na tanggapin na niya ang offer dahil napakahirap maghanap ng work ngayon at okay na rin daw ang P40,000 na starring salary. Narito ang ilan sa mga nabasa naming reactions.
“It’s great that you were able to get there, but we should stop romanticizing the unnecessary struggle. Other countries don’t need to struggle to live a comfortable life, it should be the bare minimum.”
“Thats great, good for you pero a normal filipino shouldn’t be experiencing what you experienced in the first place if only may boses ang mga pilipino to actually complain about their salary which is not really enough ti sustain a family unless you’re lucky to land a high paying job (which is not attainable by just anyone).”
“8k nga lang starting ko dati, tapos breadwinner pa ako. Mahigit 5 years ko din pinaghirapan na maging 40k ang sweldo ko.”
“I started working as a Nurse in 2016 at 13,500php lang ang offer saken nagstay ako ng 7years at umabot lang ng 30k ang sahod ko Given na wala kapang experience kaya wag muna magdemand.”
“We need to demand more from our employers and government to give us a livable environment and wage where people aren’t scraping at the bottom of the barrel just to get by.”
“Yes and thats why filipinos need to be united to push through a reformation. It’s still within our hands despite feeling like it’s out of our control. So voices like the ‘complaining for one’s salary’ should not be supressed but heeded as something our country tentatively lacks.”
“True, idk why some laugh at the sad truth of our country’s system lol. They think its being ‘entitled’ when it ‘should’ have been like that in the first place.”
“8k din starting sahod ko and almost 5 years din na ganon ang sweldo ko, at breadwinner rin ako, pero ngayon sa awa ng Dios umabot na narin ng 40k pero sobrang hirap din Ang pinagdaanan bago nakamit Ang ganyang sahod.”
“Grabe. Yung unang pasok ko sa DepEd, 2012, 14k lang sahod ko. Pamasahe everyday 200 kasi sa interior brgy pa. Tas adviser pa ako ng 30+ students. Wala lang. Share ko lang. Sana all talaga sa 40k.”
“Grab mo na. Considering you’re a fresh grad. Sakto lang offer. Tataas din yan once you already have experience. Wag na masyado kuda. Iba nga dito sobrang taas ng pinag aralan. Mga lisensyado pero starting pay 10k up. Pero hindi ibig sabihin non, hindi mo na pinapahalagahan ang sakripisyo mo noong nag aaral ka pa. That’s life. Kailangan nating maranasang maghirap. Mula sa ibaba bago pataas. Hindi yung gusto niyo agad sa taas kayo.”
The post Hugot ng fresh grad sa starting salary: P40k lang? Parang ang baba! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments