Responsive Ad

Ellen Adarna hindi bet ang mga gender reveal: ‘Di ko trip yan!

Ellen Adarna hindi bet ang mga gender reveal: 'Di ko trip yan!

LANTARANG inamin ng aktres na si Ellen Adarna na hindi niya hilig ang pagkakaroon ng gender reveal.

Sa kanyang latest Instagram post kung saan ibinandera niya ang kanyang mga video at picture ng baby bump habang nagbubuntis ay may netizen na nagpaabot ng paghanga sa kanya.

Ito ay may kaugnayan sa hindi pagge-gender reveal at baby shower ni Ellen para sa panganay nila ni Derek Ramsay.

“Mabuti pa ‘to kahit may kakayahang mag gender reveal and lahat lahat, still remained quiet lang.

Baka Bet Mo: Ellen Adarna nanganak na sa 1st baby nila ni Derek Ramsay

“Yung kakilala ko, di baleng lomobo ang kautangan, maitawid lang ang mga kapritso na di naman afford,” saad ng netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sinagot naman ito ni Ellen at sinabi ang kanyang pananaw sa mga ganitong pagdiriwang.

“Hayaan mo lang sila kung ano trip nila sa buhay. Kanya kanyang trip lng yan.

“Basta ako wala kong gender reveal walang baby showrer and wala akong utang – diko trip mga ganyan hehehe,” reply ni Ellen.

Marami naman ang sumang-ayon at naka-relate sa sinabi ng asawa ni Derek.

“HAHAHAHA mindset like Ms Ellen GANUN!” comment ng isang netizen.

Sabi naman ng isa, “low profile is the key.. at peace of mind.”

“tinamaan ako SA walang utang, pra lng makapag bongga miss Ellen idol talaga Kita,” sey naman ng isa.

Matatandaang nito lang ay lumabas ang balitang nanganak na ang aktres matapos ang kanyang pagkakaroon ng miscarriage noong 2023.

The post Ellen Adarna hindi bet ang mga gender reveal: ‘Di ko trip yan! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments