Responsive Ad

Billy Crawford ‘pinatay’ sa social media, Ogie Diaz nagbabala

Billy Crawford 'pinatay' sa social media, Ogie Diaz nagbabala

NAWINDANG ang TV host-comedian na si Ogie Diaz sa mga kumakalat na chikang pagpanaw umano ni Billy Crawford.

Sa latest episode ng “Showbiz Update” ay napag-usapan nila kasama sina Mrena at Mama Loi ang muling pagkalat ng fake news tungkol sa mga artista.

“Mayro’n na namang isang YouTube channel na ‘pinatay,’ ‘pinaglalamayan daw si Billy Crawford. Qinoute pa si Vhong Navarro pati raw si Colleen Garcia,” pagbabahgi ni Ogie.

Aniya, dapat ay i-report ang ganitong mga account na nagpapalaganap ngaling impormasyon online.

Baka Bet Mo: Billy Crawford nagluluksa sa pagpanaw ng ama: I’m sorry, Dad…

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Dapat ‘yan i-report. Hindi maganda ‘yan. Naghahasik kayo ng fake news. ‘Pag sa inyo, nangyari ‘yan naku Diyos ko. Buhay na buhay si Billy,” sabi pa ni Ogie.

Matatandaang hindi naman ito ang unang pagkakataon na may kumalat na maling balita patungkol sa aktor.

Minsan nang naging topic si Billy ng mga nagpapakalat ng fake news kung saan sinabing may malalang sakit raw ang aktor.

Ito ay matapos kumalat ang larawan ng aktor kung saan kapansin-pansin ang pagpayat nito.

Pinabulaan naman ito ng asawa ni Billy na si Coleen at sinabing maayos ang kalagayan ng asawa.

Mapapanood ang singer-actor bilang isa sa mga coach sa “The Voice Kids”.

The post Billy Crawford ‘pinatay’ sa social media, Ogie Diaz nagbabala appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments