Responsive Ad

Willie Revillame hanga kay Leni Robredo: Sayang ngayon ko lang siya nakilala

Willie Revillame hanga kay Leni Robredo: Sayang ngayon ko lang siya nakilala

NAIKUWENTO ng TV host at businessman na si Willie Revillame ang nagint pagkikita nila ng daring Bise Presidente na si Atty. Leni Robredo.

Sa isang episode ng kanyang TV show na “Will to Win” ay inamin niyang nagpaabot siya ng ayuda sa dating VP para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Naga City, Camarines Sur.

Ani Willie, personal siyang pumunta sa Naga City para inigay ang isang tseke na nagkakahalagang P3 million para sa mga apektado ng bagyo.

Labis naman ang pasasalamat ni Atty. Leni sa TV host-businessman dahil personal pa itong nagsadya sa kanilang lugar para makita na rin ang sitwasyon ng mga residente na biktima ng bagyo at baha.

Baka Bet Mo: Willie nega agad matapos mag-dialogue ng, ‘Wag n’yo naman ako madaliin’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Matapos matanggap ang donasyon ay sinabihan raw si Willie ni Atty. Leni na na ipapadala na lang sa kanya ang resibo kung saan sinabi niyang kahit wag na raw siyang bigyan.

“Bawal ‘yon sa amin, eh. Kasi ina-account po namin lahat,” sagot ni Atty. Leni sa TV host-businessman.

Kasama rin sa pagtanggap ng naturang donasyon si Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado, Jr.

Nagpasalamat naman naman ang kongresista sa pagtulong ni Willie sa kanilang mga kababayan.

Samantala, tila nagkaramdam naman ng panghihinayang si Willie dahil ngayon niya lang nakilala si Atty. Leni.

“Alam n’yo si Vice President Leni, parang napakasarap yakapin na isang ina.

“Napakasimple, sayang ngayon ko lang siya nakilala. Napakasimpleng tao. Katulad n’yo rin, at ako, simple, simple lang ang gusto,” saad ni Willie.

Kuwento pa niya, maiiyak raw talaga kung sinuman ang ang personal na makakakita sa sitwasyon ng mga residenteng naapektuban ng bagyo.

“After ng meeting namin pumunta pa siya sa baha, ‘Magpapalit lang ako ng damit.’ Labindalawang barangay ang pupuntahan niya para bigyan ng mga pagkain.

“Maraming mga volunteers doon, mga kababayan natin sa Naga, kung makikita n’yo talaga namang malulungkot kayo dahil konti na lang ‘yong kalsadang nadadaanan,” kuwento pa ni Willie.

The post Willie Revillame hanga kay Leni Robredo: Sayang ngayon ko lang siya nakilala appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments