Responsive Ad

Kathryn handang-handa nang umibig, magkadyowa uli: Yes, kahapon pa!

Kathryn handang-handa nang umibig, magkadyowa uli: Kahapon pa! Yes!

Alden Richards, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

READY na uling magmahal at magka-boyfriend ang Box-office Queen na si Kathryn Bernardo makalipas ang isang taon nang maghiwalay sila ni Daniel Padilla.

Sakali mang dumating at makita na niya ang lalaking muling magpapatibok ng kanyang puso ay handang-handa na raw ang Kapamilya superstar.

Sa interview ng “Fast Talk With Boy Abunda” kahapon, October 28, ay diretsahan siyang tinanong tungkol sa pakikipagrelasyon.

Ang question ni Tito Boy, “Kathryn, yes or no, are you ready to fall in love again?” Na sinagot agad-agad ni Kathryn ng, “Yes!”

Baka Bet Mo: Matteo ready nang maging daddy sa magiging baby nila ni Sarah: ‘By the end of the year, pag-pray natin na makabuo na’

Hirit pa ng dalaga, “Kahapon pa. Reding-ready na, yes!”

Bumisita si Kath sa programa ni Tito Boy sa GMA 7 para i-promote na rin ang upcoming movie nila ni Alden Richards na “Hello, Love, Again” mula sa Star Cinema at sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


Natanong din ni Tito Boy kay Kathryn ang tungkol sa past nila ni Daniel kung saan nabanggit ng aktres na marami siyang realizations sa kanyang sarili mula nang magkanya-kanya sila ng landas.

“I don’t know if I’m the right person to ask, because I’ve only been into one relationship that lasted for 11 years.

“I’ve learned so much from my past relationship during… I’m talking about growth. I’m talking about being unselfish, about gratitude, dreams, and all.

“Lumaki ako sa 11 years ng relationship na yun. So during that 11 years, I’m learning. And after, when the breakup happened, ang dami ko ring natutunan after sa sarili ko at sa lahat ng nangyayari.

“Feeling ko, I’m still in work progress, but I still don’t know the real definition of love,” paliwanag ng dalaga.

Patuloy pa niya, “I think love can be found anywhere. It can be from your family, from your friends, from your boyfriend or from your girlfriend.

“And now, I feel like I am so surrounded with so much love. Ayun yung pinapa-feel sa akin ng mga tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


“Doon ko na-realize after everything na, after what you went through, kung anuman yun, any challenges, isu-surround ka talaga with so many good energy and so much love,” aniya pa.

Sumunod na tanong ni Tito Boy, “Ano ang nadiskubre mo sa sarili mo after the eleven years?”

Tugon ni Kathryn, “I think it’s safe to say na I’m pretty strong. I didn’t expect myself… I think all the people here didn’t expect na I will handle it that way.

“Me too, I didn’t expect it. But it’s just that moment in my life tested my faith so much and feeling ko sobra akong na-guide dun.”

Wala rin daw siyang pinagsisihan sa 11 years na relasyon nila ni DJ, “You know, nothing. I don’t regret anything. Ayoko siyang pangunahan. I want you to experience all the happiness, all the pain.

“Feeling ko maraming magkukuwestiyon nun, but it was 11 beautiful years…kung ano yung nakikita niyo sa akin ngayon, ang laking part ng 11 years na yon.

“So, kung nandiyan si little Kath, sasabihin ko, ‘You know, ayaw kitang pangunahan. I want you to experience all these emotions, all these things, kasi it’s gonna be a big part of your growth,'” pahayag pa ni Kathryn.

Ang tanong na lang, magkatuluyan nga kaya sa tunay na buhay sina Kath at Alden? Let’s wait and see!

The post Kathryn handang-handa nang umibig, magkadyowa uli: Yes, kahapon pa! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments