Responsive Ad

Moonstar88 may libreng performance sa kasal ni Carlos Yulo: ‘No pressure!’

Moonstar88 may libreng performance sa kasal ni Carlos Yulo: ‘No pressure!’

PHOTO: Facebook/Carlos Edriel Yulo

NAKISALI na rin ang OPM band na Moonstar88 sa mga magbibigay ng reward sa two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Ayon sa banda, magkakaroon sila ng libreng performance sa kasal ng Olympic champion.

“[Two] golds! Dahil di ka nahihilo, nalilito sa routine mo,” sey sa caption ng Facebook post, kalakip ang isang graphics picture na ang nakalagay ay, “Sagot na namin ang tugtugan sa kasal mo, Caloy!” 

Baka Bet Mo: Carlos Yulo dedma sa ina, nag-message sa ama: Mahal na mahal kita

Sa comment section, may pahabol pa na mensahe ang Moonstar88: “Uy no pressure Caloy! Kahit umabot pa ng 2088.”

“Bahala na kung sinong mahilo,” biro pa nila.

Moonstar88 may libreng performance sa kasal ni Carlos Yulo: ‘No pressure!’

PHOTO: Screengrab from Facebook/Moonstar88

Wala pang nababanggit si Carlos pagdating sa kasalan, pero sa ngayon ay in a relationship siya sa content creator na si Chloe San Jose na hindi aprub ng ina ng atleta.

Samantala, hindi impossible na umabot sa P100 million ang pwedeng matanggap na cash at property incentives ni Carlos para sa dalawang gintong medalya na napanalunan niya sa artistic gymnastics sa men’s floor at men’s vault exercises.

Nauna nang napabalita na mahigit P60 million ang ibibigay sa Pinoy champ ng gobyerno at ng iba’t ibang private companies.

At bukod nga riyan, tumataginting na P20 million pa ang tatanggapin ni Carlos bilang cash reward na kinumpirma ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco sa pagharap nito sa pagdinig kahapon sa House Committee on Appropriations.

Makakatanggap din si Carlos ng P5 million mula sa ArenaPlus na ibinandera rin ang pagpupugay sa tagumpay ng tinaguriang “Golden Boy” sa 2024 Olympic Games.

The post Moonstar88 may libreng performance sa kasal ni Carlos Yulo: ‘No pressure!’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments