Geneva Cruz balik sa pag-aaral; nag-thank you kay Ronnie Liang
NANINIWALA rin ang actress-singer na si Geneva Cruz na “age doesn’t matter” din pagdating sa pag-aaral at tuparin ang pangarap niya na maka-graduate.
Ibinandera ni Geneva sa buong universe na ipinagpatuloy na nga niya ang kanyang pag-aaral sa college.
Sa Instagram, ibinahagi ng member ng iconic OPM group na Smokey Mountain ang ilang litrato na kuha sa Philippine Christian University sa Manila, suot ang kanyang school ID.
Kumukuha siya ngayon ng kursong business administration sa naturang university. Sa mga hindi pa nakakaalam, nag-aral siya noon sa University of Santo Tomas para sa kursong AB Literature.
“But life had a different plan for me, and that’s to become a mother first. I have no regrets because I have a beautiful son.
Baka Bet Mo: Neri Naig ‘ngiting tagumpay’ sa natapos na final paper: ‘Sana maka-graduate na ako next year!’
“However, having a ten-year-old daughter was the motivation I needed to prioritize finishing a degree.
“I strongly believe in setting a positive example for my children, which drives me to dedicate time to pursuing my educational goals.
“It took me a long time to finally return to school and strive to complete college,” pahayag pa ni Geneva.
Kasunod nito, nagpasalamat din si Geneva sa singer-actor at Army reservist na si Ronnie Liang, “For our memorable conversation backstage at the Luneta Grandstand and for reminding me of the powerful impact education has on those who choose to educate and elevate themselves.”
Pinasalamatan din niya ang dalawa niyang anak, ang kanyang parents at mga kapatid. Inialay din niya sa yumao niyang ina ang pagbabalik niya sa pag-aaral.
“Go after your goals—there’s no such thing as being too late!
“Don’t even consider your degree a pass or a way to a great life. The point is not that a degree is meaningless but that it should have great value or uphold something of great importance to you.
“People hire or do business with you based on your skills, attitude, and work ethic rather than just your degree,” aniya pa.
The post Geneva Cruz balik sa pag-aaral; nag-thank you kay Ronnie Liang appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments