Responsive Ad

Jennylyn Kapuso pa rin, walang offer sa ABS-CBN; pinabilib si Rhea Tan

Jennylyn Kapuso pa rin, walang offer sa ABS-CBN; pinabilib si Rhea Tan

WALANG offer ang ABS-CBN sa Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado pero inamin niyang freelancer siya ngayon as an artist.

Iyan ang rebelasyon ni Jen nang humarap siya sa entertainment media kahapon, July 18, para sa bago niyang bonggang-bongga endorsement.

Siya ang bagong celebrity brand ambassador ng beauty kingdom na Beautederm Corporation na pag-aari ng super successful lady entrepreneur na si Miss Rhea Anicoche-Tan.

Sa naturang event, nabanggit ni Jennylyn na tapos na ang kanyang kontrata sa GMA 7 at under negotiation pa raw ito with her talent management.

Pero nilinaw ng Kapuso star na walang bahid ng katotohanan ang naglabasang chika na may alok sa kanya ang ABS-CBN lalo na ang kuwentong siya mismo ang nakipag-usap sa mga bossing ng network.

Baka Bet Mo: Kathryn inalok lumipat sa ibang network, pero loyal sa ABS-CBN

Ipinagdiinan ni Jen na kahit hindi pa siya nakakapag-renew ng kontrata sa GMA 7 at freelancer siya ngayon, nananatili pa rin daw siyang Kapuso.

“Palagi naman akong Kapuso. Ang daming naghihintay ng sagot…ako naman, 20 years na po akong Kapuso, and I’m very thankful na hanggang ngayon po ay Kapuso pa rin.

“Meron pa ring nego-nego. Pero mabilis na lang po yan. We’re just waiting for the contract, pero happy pa rin akong Kapuso. Kung gusto pa rin nila ako,” ang pahayag ng wifey ni Dennis Trillo.

Dagdag pang pahayag ni Jennylyn, “Basta ganito, kung gusto pa rin nila akong Kapuso, happy pa rin akong maging Kapuso. Wala pong offer sa ibang network.”

Samantala, kabilang na ngayon sa mga A-lister brand ambassador ng Beautéderm si Jennylyn na matagal na palang gustong kunin ng President and CEO ng kumpanya na si Ms. Rei.

Sa naganap na press launch kahapon, sabay na naglakad patungong stage si Ms. Rei at si Jen habang kumakanta ng “I Won’t Last A Day Without You” ng Carpenters.

Pagkatapos nito ay kumanta pa uli si Jen bilang treat sa lahat ng nasa event at saka sinundan ng kanyang actual contract signing bilang ambassador ng beauty kingdom ni Ms. Rei.

Ayon sa lady CEO, isa sa kino-consider niya sa pagkuha ng mga bagong endorser ay ang attitude ng isang celebrity.

“Napansin ko, ang bait ni Jen. Sumasabay siya sa mga staff na kumakain. Tapos, bare face siya. Ay! Ako lang yung naka-shades, ako lang yung feeling!” natawang sey ni Ms. Rei.

Patuloy pa niya, “Tapos siya ay bareface, walang makeup. Humaharap sa mga tao, kumakain siya sa pantry kasama yung mga staff.

“I did my research na napakabait niya talaga, at very good friend ko rin talaga si Tita Becky,” pahayag pa ng CEO na ang tinutukoy ay ang talent manager ni Jen na si Becky Aguila.

The post Jennylyn Kapuso pa rin, walang offer sa ABS-CBN; pinabilib si Rhea Tan appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments