Belle ‘bilyonarya’ dahil sa ‘Bugambilya’ sa TikTok; Atom papasukin ang POGO
SUNUD-SUNOD na music milestones ang natanggap ng New Gen Phenomenal Star na si Belle Mariano bilang isang certified singer at recording artist.
Isa na nga riyan ang isang bilyong views na nakuha sa TikTok ng kanyang awitin na “Bugambilya” bukod pa sa 110 million streams na hinamig nito sa Spotify.
Naging viral hit ang “Somber” album track na “Bugambilya” sa TikTok na may mahigit 36,000 videos nang gumamit ng awitin.
Nakapasok naman ito sa top 10 ng Spotify Philippines Viral Songs Chart at top 200 ng Spotify Philippines Daily Top Songs kung saan meron na itong 18 million streams.
Samantala, pinahanga ni Belle ang kanyang fans sa naganap na sold-out birthday concert na “BELIEVE” noong Sabado (July 13) sa The Theatre at Solaire kung saan nakasama niya ang special guests na sina Donny Pangilinan, Moira Dela Torre, Denise Julia, at Martin Nievera.
Baka Bet Mo: Belle tinupad ang wish ng lolo; Pinoy viewers waging-wagi sa ALLTV
“I never imagined that my dreams would come to life. What once was just a wish, came true.
“Thank you to everyone who believed in me and continues to, to my ABS-CBN family, the directors, production, and crew of ‘Believe’ concert, my family, friends, and those who support me. I wouldn’t be here without you all,” saad ng StarPop artist sa kanyang Instagram post.
Bukod dito, inilunsad din niya ang bagong EP na “Believe” na umani ng 300,000 streams sa Spotify sa loob ng 10 araw at umarangkada sa ikalawang pwesto sa iTunes Philippines Albums Chart.
Samantala, ang focus track nito na “Biglaan” ay tampok sa editorial playlists tulad ng Spotify OPM Rising at Tatak Pinoy.
Available ang bagong EP ni Belle na “Believe” na iprinodyus ni StarPop label head Roque “Rox” Santos at patuloy na pakinggan ang “Bugambilya” sa iba’t ibang streaming platforms.
* * *
Ngayong Linggo (July 21), samahan si Atom Araullo sa kanyang pagsisiyasat sa malawak, malalim at masalimuot na mundo ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa “The Atom Araullo Specials: POGO Land”.
Sa mga nakalipas na buwan, sunud-sunod ang pagsalakay ng mga otoridad sa mga POGO hub sa iba’t ibang panig ng bansa.
Dating online casino o pasugalan ang mga ito pero matapos matanggalan ng lisensya, naging pugad na umano ang ilan sa mga ito ng scam farms kung saan nangyayari ang iba’t ibang klase ng pambubudol o panloloko.
Nitong Marso, mahigit 800 na biktima ng human trafficking ang na-rescue ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Philippine National Police (PNP) sa isang POGO hub sa Bamban, Tarlac. Ang scam hub, nakatayo mismo sa likuran ng city hall ng Bamban.
Nakausap ng The Atom Araullo Specials ang isang Pilipino na dating nagtatrabaho sa POGO hub dito.
Ayon kay “Nestor,” nakatoka siya sa operasyon ng romance o love scam. Bilang parte ng kanyang trabaho, kinukuha niya ang loob ng mga biktima hanggang sa mapa-ibig niya ang mga ito at saka mangyayari ang pambubudol.
Ibinahagi rin ni “Nestor” na nasaksihan niya ang mga pang-aabuso at pananakit sa kanyang mga kasamahan. At nang hindi na niya matagalan ang sitwasyon, tumakas sila at tumalon mula sa ikalawang palapag ng gusali.
Sa Porac, Pampanga, daan-daang trafficked victims umano ang na-rescue. Isa sa kanila si “Wilson,” na natagpuang nakaposas sa isang bedframe, puno ng pasa at paso ng sigarilyo ang kanyang katawan. Kinuryente rin daw siya. Sa unang pagkakataon, nagpaunlak ng panayam si Wilson.
Nito lang nakaraang buwan, nakakuha ng tip ang mga otoridad na nagtatago sa isang resort sa Angeles City, Pampanga ang isa sa mga mastermind ng POGO operation. Agad nagtungo ang “The Atom Araullo Specials” team sa target location.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, ano pa kaya ang mga matutuklasan nila? Panoorin ang “The Atom Araullo Specials: POGO Land” ngayong Linggo,.3 p.m. sa GMA.
The post Belle ‘bilyonarya’ dahil sa ‘Bugambilya’ sa TikTok; Atom papasukin ang POGO appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments