MATINDING pambu-bully ang naranasan ng bunsong anak ni Nadia Montenegro nang dahil sa ama nitong si Baron Geisler.
Ito ang rebelasyon ng aktres kasabay ng kanyang paliwanag sa mga dahilan kung bakit inilayo niya kay Baron ang kanilang anak na turning 18 years old na ngayon.
Unang-una raw ay ang hindi pagtupad ni Baron sa pangako nitong personal na makikipagkita sa kanilang teenager nang anak, idagdag pa ang pagpapadala nito noon ng mga “drunk” messages.
Baka Bet Mo: Nadia nagbanta sa mga magsusulat tungkol sa bunsong anak
Bukod dito, kinuwestiyon din ni Nadia ang muling pagbuhay sa isyu tungkol sa kanilang anak, na sinabi niyang dahil umano sa mga “masasamang elemento.”
Naapektuhan at naalarma rin ang aktres sa naranasang pambu-bully sa kanyang anak, lalo na sa kanilang eskwelahan.
“School, friends, She was bullied. Someone all of a sudden just posted on the student council page a picture of Baron in jail. ‘Kaninong tatay ito?,'” ang pahayag ni Nadia sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon.
Patuloy pa niya, “Tito Boy kailangan ko pa bang ikuwento kung ano ang pinagdaanan namin just to keep our peace? This is my life. This is my children’s lives. This is my story Tito Boy, no one has the right to tell my story.”
“My mistakes? I’ve always owed my mistakes Tito Boy, but let me say kung ano ang pagkakamali ko, hindi ikaw, hindi ko kailangan ng spokesperson,” mariin pa niyang sabi.
Baka Bet Mo: Nadia Montenegro: Hindi pala ako malakas, hindi pala ako magaling…“I’ve always faced my battles. I’ve always fought them head on. Why? ‘Cause I pray. I do things not because I want to hurt people. I do things Tito Boy now, because I want people to learn from my mistakes,” dagdag ni Nadia.
Nagsalita na raw siya on national TV dahil gusto na niyang tapusin ang isyung ito once and for all at para na rin sa katahimikan ng kalooban at isip ng anak nila ni Baron.
“Hindi ko ikinakalat ito para mag-entertain o para magpiyestahan niyo ang buhay ko o buhay ng anak ko. I want this to end.
“Because Tito Boy, my daughter is turning 18 soon. And she does not need to come out of this world and answer questions for her mother. So I’m putting an end to this now.
“So yes, I’m happy. I have a child named Sophia. And she does not need anything else in this world because she is complete,” paliwanag niya.
Sa isang bahagi ng panayam, muling pinatotohanan ni Nadia na si Baron nga ang tunay na ama ng kanyang anak.
“I’ve already admitted that. Yes. Sophia is turning 18 in August. And that’s why I’m here, it’s not for views, not to trend, because that’s one thing I hate. But to put an exclamation for everything,” sabi ni Nadia.
Samantala, sinabi rin ni Nadia na walang karapatan ang isang taong nagsiwalat noon tungkol sa pagkakaroon niya ng anak sa ibang lalaki.
“Tito Boy, 17 years ago may isiniwalat ang isang tao tungkol sa buhay ko na I don’t think naman anybody has the right. Kasi noong time na ‘yun, inaayos ko lahat.
“Hindi man lang kinonsider na 17 years ago, kung ano ang pinagdadaanan ko, ng mga anak ko, kung ano ang puwedeng mawala sa akin.
“This is my mistake. Kung nagkamali man ako…I don’t want to even call ito a mistake. Sophia is one of the most beautiful girl you can ever meet.
“Not just sa mukha niya, pati puso niya. This child has been through so much that she does not deserve,” sabi pa ni Nadia Montenegro.
The post Anak ni Nadia na-bully sa school dahil kay Baron: ‘Kaninong tatay ito!?’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments