Responsive Ad

Ryan Bang super happy ang Pasko kasama ang pamilya ng non-showbiz GF

Ryan Bang super happy ang Pasko kasama ang pamilya ng non-showbiz GF

PHOTO: Instagram/@ryanbang

HINDI na malamig ang Pasko ng TV host-actor na si Ryan Bang!

Kasama niya kasi sa pagdiriwang ng Pasko ang non-showbiz girlfriend na si Paola Huyong.

Makikita pa nga sa Instagram Stories ni Ryan na kasama rin nila ang buong pamilya ng kanyang dyowa at mukhang close na close na siya sa kanila.

Base sa mga pictures at videos na ibinandera ni Ryan, naki-join siya sa holiday photo shoot at gift giving activity ng pamilya ni Paola.

Matchy-matchy ang suot ng dalawa na naka-checkered button-up polos sila, habang ang ibang pamilya ay nakasuot ng shades of green.

Baka Bet Mo: Payo ni Lolit Solis kay Ryan Bang: ‘Huwag makipagsabayan kay Vice Ganda, umiwas sa gulo para hindi masuspinde’

Sa nakaraan na interview noong Agosto, ipinahayag ni Ryan ang kanyang pagmamahal sa Pilipinas at sinabing gusto niyang manirahan sa bansa at mapangasawa ng isang Pinay.

Makalipas ang ilang linggo, kinumpirma ng ng TV host na “in a relationship” na siya, pero hindi pa niya ito masyadong idinetalye.

Matapos ang isang buwan, ibinunyag ni Ryan na ipinakilala na niya ang kanyang dyowa sa kanyang pamilya sa South Korea.

Matatandaan na ang first-ever public photos ng couple ay ibinandera noong Oktubre sa gitna ng kanilang Hong Kong trip kasama ang “It’s Showtime” hosts.

Magmula niyan ay madalas na silang makita sa mga Instagram posts.

The post Ryan Bang super happy ang Pasko kasama ang pamilya ng non-showbiz GF appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments