Responsive Ad

Francine tatapusin ang senior high sa 2024: ‘Gusto ko pong maka-graduate’

Francine tatapusin ang senior high sa 2024: 'Gusto ko pong maka-graduate'

Francine Diaz

WISH ng Kapamilya young actress na si Francine Diaz na makabalik na sana sa kanyang pag-aaral sa susunod na taon.

Sana raw ay mabigyan siya ng pagkakataon na makapag-aral uli sa 2024 para matapos na niya ang kanyang senior high school.

Ayon kay Francine, kahit na super busy siya sa pagtatrabaho sa mundo ng showbiz ay super committed pa rin siya sa kanyang pag-aaral dahil talagang pangarap niya ang maka-graduate sa college.

“Priority ko sarili ko, career ko and school ko importante din talaga sa akin na maka-graduate ako,” pagbabahagi ni Francine sa isang panayam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz)


Dugtong pa niya, “Bukod sa gusto ko maging successful sa entertainment industry of course gusto ko rin maging successful ‘yung personal life.”

Baka Bet Mo: Miles Ocampo umiiyak na nagmakaawa sa ‘Eat Bulaga’ matapos matsugi: Sana bigyan n’yo pa ako ng chance na makabalik

Planong kumuha ni Francine ng kursong may kinalaman sa pagnenegosyo, “Ang gusto ko po mag-business management.

“Yun po talaga isa sa mga priority ko I believe dapat meron akong fallback.

“Kasi hindi ko alam ‘wag naman sana kapag dumating ‘yung panahon na hindi na ako yung tinitingala or maingay meron akong buhay outside showbiz,” ang praktikal na paliwanag ng dalaga.

Katatapos lamang ng iWantTFC series ni Francine na “Fractured” kasama ang ka-loveteam niyang si Seth Fedelin at siguradong may niluluto nang bagong project ang ABS-CBN para sa FranSeth.

The post Francine tatapusin ang senior high sa 2024: ‘Gusto ko pong maka-graduate’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments