Responsive Ad

ChiKapalaran (August 14-20, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (August 14-20, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!
ISANG magandang, magandang umaga, mga ka-ChiKapalaran? Buti na lang at nagpapakita na ulit si Haring Araw. Sana nagamit mo nang maayos ang nagdaang weekend para makapag-recharge! Isang panibagong linggo na naman ang ating tatahakin, kaya mo pa ba? Emz.

As always, narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay. Arat na!

ARIES (March 21-April 19)

Mars! Bilang Aries, dapat mapanatili natin ang init! Hindi init ng ulo kundi ang iyong nag-iinit na passion at drive sa buhay.

Huwag mong hahayaan na maagaw sa ‘yo ang bagay kung saan ka magaling. Tandaan mo, isa kang Aries. Kung may nagbabalak na awatin ka, lumayo ka sa kanila. Huwag kang papayag na hilahin ka nila pababa.

Lucky Color: White

Lucky Number: 16

Song of the Week: Rainbow by South Border

TAURUS (April 20-May 20)

Kung ano man ‘yang iniisip mo, gawin mo na. Go mga Taurus! Ilaban mo na yan to the highest level.

Kung nararamdaman mong magiging sakit sa ulo lang ‘yang kinakaharap mong bagay o tao, leave them. Almost 5 months na lang at magpapalit na naman tayo ng kalendaryo. Don’t let them slow you down sa pag-achieve ng gusto mo sa buhay. As Taurus, panindigan natin ‘yung pagiging matigas ang ulo. Fighting!!

Lucky Color: Black

Lucky Number: 29

Song of the Week: Heaven Knows by Orange & Lemons

GEMINI (May 21-June 20)

In fairness naman sa inyong mga Gemini, kahit marami kayong bashers ng taon ay kayo pa rin ang madalas maka-resolve ng mga problema. Pero sa ngayon ay hirap kang mag-decide dahil nasa gitna ka ngayon ng nag-uumpugang mga bato.

Ito ang time para maging logical. Wala ka namang choice. Kahit anong piliin mo, may masasabi pa rin sila sa ‘yo. Sabi nga ng isang camper sa “Sparks Camp” you can never trust a Gemini so be it.

Lucky Color: Blue

Lucky Number: 3

Song of the Week: Toyang by Eraserheads

CANCER (June 21-July 22)

It’s ok if tingin nila ay nagpapaka-playing safe ka lang for today’s video. Ang mahalaga, safe. Eme!

Huwag mo na lang pagtuunan ng pansin ang mga nagsasabing wala kang mararating kung hindi ka marunong mag-take ng risk. In this economy? Autopass.

Lucky Color: Green

Lucky Number: 15

Song of the Week: Pare Ko by Parokya ni Edgar

Baka Bet Mo:  ChiKapalaran (August 7-13, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

 

LEO (July 23-August 22)

Mami, Leo season is about to end soon kaya dapat i-remind n’yo sila na kahit patapos na ang termino mo ngayong 2023 e isa ka pa rin sa mga hindi dapat binabangga.

Siyempre as a main character (no cap), dapat ikaw ang palaging bida-kontrabida palagi. Rubi yarn?

Lucky Color: Yellow

Lucky Number: 23

Song of the Week: Director’s Cut by Kamikazee

VIRGO (August 23-September 22)

Chill ka lang, mareng Virgo. True naman talaga na nakaka-drain na ang mga drama sa paligid pero panatilihin mo lang ang pagiging kalmado.

Lumayo kayo sa mga taong nega at lapitin ng away. Find your circle na ang dala lang ay peace and order.

Lucky Color: Red

Lucky Number: 14

Song of the Week: Jeepney by Spongecola

LIBRA (September 23-October 22)

As taong ayaw ng gulo, mas bet mo pang huwag pumili ng taong papanigan sa tuwing may nag-aaway kesa makisali sa rambulan. Perfect ka dyarn!

Huwag mo nang balaking makisali kahit pa super close mo ang involved. Sakit yan sa ulo. Makinig ka na lang pero huwag kang kakampihan. Kuha mo?

Lucky Color: Orange

Lucky Number: 10

Song of the Week: Akin Ka Na Lang by Itchyworms

SCORPIO (October 23-November 21)

Bakit ka pinanghihinaan ng loob? Hindi ikaw yan, Scorpio. Kayang kaya mo kung ano man yang problema mo.

Alam mo naman ang solusyon dyan kaya wag ka na mag-emote and just start solving your problem. Sa panahon ngayon na nakakaloka ang inflation, wala tayong time mag-senti.

Lucky Color: Pink

Lucky Number: 29

Song of the Week: Sana by Libre

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

That’s right, Sagi! Kailangan mo lang pagtrabahuhan nang maigi kung ano man ‘yang gusto mong mangyari.

Hindi naman mahirap ang gusto mong ma-attain na goal. Konting sipag at kayod pa. Supportive naman ang tao sa paligid mo kaya for sure matutupad ang mga gusto mo.

Lucky Color: Gray

Lucky Number: 7

Song of the Week: Ikaw Lang by Nobita

CAPRICORN (December 22-January 19)

Hingang malalim, beshywaps. Chareng. Kung nalilito ka at medyo tingin mo ay may mali sa mga ginagawa mo, wag kang magpanic. Imbes, isipin mo kung saan ka nagkamali at gawan mo ng remedyo.

Easy ka lang. Baka kaka-panic mo mawalan ka ng hininga dyan. Gawan ng paraan. Universe gotchu!

Lucky Color: Teal

Lucky Number: 16

Song of the Week: Sa Ngalan ng Pag-ibig by December Avenue

AQUARIUS (January 20-February 18)

Nakapag-muni muni na ba ang lahat? Ok lang naman na ma-miss mo ang isang tao. Siyempre naging mahalaga siya sa ‘yo peri huwag mo nang balikan. Ok na e. Nakausad ka na. Bakit ka pa babalik sa toxic na set-up?

Piliin maging masaya, ‘yung totoong masaya.

Lucky Color: Brown

Lucky Number: 18

Song of the Week: Fallen by Lola Amour

PISCES (February 19-March 19)

Balita ko nawawalan ka raw ng gana at tiwala sa sarili na malalagpasan mo ang mga kinakaharap mong pagsubok? I think tama na ang self-doubt.

Kaya mo yan. Hindi ka pinalaki ng sexbomb para bumawi. Isang get get aw naman dyan! Trust yourself, mars.

Lucky Color: Beige

Lucky Number: 22

Song of the Week: Stars by Callalily

THIS WEEK BIRTHDAY CELEBRATORS

Happy birthday, mga favoritie kong main character vibes! Isang toast naman dyan!

May mga taong hindi ka hahayaan maging happy so don’t let them na magtagumpay. Maging masaya ka araw-araw!

Lucky Color: Gold

Lucky Number: 30

Song of the Week: Maybe The Night by Ben & Ben

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

 

Iba Pang ChiKapalaran:

ChiKapalaran (July 31-August 6, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (July 24-30, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

The post ChiKapalaran (August 14-20, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments