Responsive Ad

Jodi Sta. Maria present sa binyag ng anak ni Iwa Moto at Pampi Lacson

Jodi Sta. Maria present sa binyag ng anak ni Iwa Moto at Pampi Lacson

DUMALO ang Kapmilya actress na si Jodi Sta. Maria sa binyag ng anak ni Pampi Lacson at Iwa Moto.

Base sa in-upload na mga larawan ni Iwa sa kanyang Instagram account ay makikita ang aktres sa larawan kasama ang anak na si Thirdy.

Tila isa si Jodi sa napili nina Iwa at Pampi para maging ninang ng kanilang anak na si Caleb Jiro.

“Thank you ninong and ninangs!!! We love you!! CJ you are lucky that you are surrounded with prople that love you so much. Anak alam mong mahal na mahal ka namin. And we will always be here for you. Always and forever. To infinity and beyond,” pagpapasalamat ni Iwa.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iwa Moto (@iam_iwa)

 

Para sa mga hindi aware, si Pampi ay ang dating asawa ni Jodi at ama ng kanyang anak na si Thirdy.

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay nanatiling malapit na magkaibigan ang dalawa at may maayos silang co-parenting set up para sa anak.

Kaya naman hindi na rin bago sa madlang pipol na makitang magkasama ang dalawa sa mga ganitong klaseng okasyon.

Matatandaang 2013 nang magkaayos sina Jodi at Pampi at simula noon ay talaga namang naging close na sila.

Ang Kapmilya actress ang unang nag-reach out noon matapos isilang ni Iwa si Hiromi Aiko, babaeng anak nila ni Pampi.

Samantala, usap-usapan rin ang si Jodi dahil sa upcoming movie nito na pinamagatang “Labyu with an Accent” kasama si Coco Martin na mapapanood sa Disyembre at parte ng Metro Manila Film Festival 2022.

Talagang aktibo ang karera ng aktres dahil ilang linggo lang nang matapos ang “The Broken Marriage Vow” na talagang pumatok sa madlang pipol ay may bago na naman itong proyekto na siguradong inaabangan na ng kanyang mga supporters.

Related Chika:
Jodi Sta. Maria: Hindi ito ang panahon para manahimik lang, kailangang manindigan na tayo

Iwa Moto sa pagkatalo ni Ping Lacson: You’re still our champion, you are our hero…it’s not your loss

Iwa Moto tinawag na ‘pakialamerang palaka’ ng netizen, bet na mag-debate sina Leni at Ping

The post Jodi Sta. Maria present sa binyag ng anak ni Iwa Moto at Pampi Lacson appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments