Responsive Ad

Sue Ramirez hinding-hindi patitigilin sa pag-aartista ng dyowang mayor; puring-puri si Diego Loyzaga

Javi Benitez, Sue Ramirez at Diego Loyzaga

SA mga nagtatanong kung totodo na rin ba sa pagpapaseksi si Sue Ramirez dahil may bago nga siyang pelikula ngayon sa Vivamax, “hindi” po ang sagot diyan.

Hindi naman porke sa Vivamax ipalalabas ang movie ng Kapamilya actress ibig sabihin ay sexy at daring na ito at magpapakita na rin siya ng hubad niyang katawan. Ha-hahaha! Kayo talaga!

Yes, totoong nakagawa ng movie ang dalaga para sa number one streaming app ng Viva Entertainment pero isa itong wholesome romantic drama, ang “How to Love Mr. Heartless”.

Dito, first time rin niyang makakatambal ang hunk actor na si Diego Loyzaga na game na game na ring nagpakita na kanyang hunky body sa Vivamax movie with matching pakita pa ng pwet.

Sa nakaraang virtual mediacon ng “How to Love Mr. Heartless”, natanong si Sue kung paano niya ide-describe si Diego as a leading man.

“I was excited to work with Diego kasi we’re really good friends sa ABS pa. We used to host ASAP together and we did ‘Pangako Sa Iyo’, although never kami naging magkaeksena.

“In-expect ko nang mahusay si Diego and I always tell him na magaling siya but ayaw niya lang maniwala. Masaya ako that after all these years of friendship, finally, I get to work with him,” sey ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles)


“From day one, wala na kaming walls or barriers na dapat basagin to be able to work well together. Diego has always been a gentleman.

“Mabait siya, willing to help everyone on set. While working with him now, I discovered how disciplined he has become. He has become more mature and I’m happy to see his growth as a person and as an actor sa mga pinagdaanan niya through the years.

“Dito, I’m really proud of him kasi ang husay-husay niya sa mga eksena niya. Saludo talaga ako,” paglalarawan pa niya sa binata.

Samantala, nababalanse naman ni Sue ang pagtatrabaho bilang artista at ang kanyang lovelife. Going strong pa rin ang relationship nila ng aktor na si Javi Benitez.

Sa mga hindi pa masyadong aware, nanalo si Javi bilang mayor ng Victorias City sa Negros Occidental. Nagpapasalamat daw si Sue dahil napaka-understanding ng kanyang dyowa.

“The good thing about him is he knows how much I love my job. He understands my passion for the work that I do and I’m sure he’s never gonna ask me to give it up.

“And yes, I’m very much contented with everything that I have now. I feel good with all that’s going on in my life. Sa awa ni Lord, hindi ako nababakante.

“Even during the height of the pandemic, I did a sitcom with TV5. I just love what I’m doing and I can say that I’m in a good place right now,” pahayag pa ni Sue.

Mapapanood na ang “How to Love Mr. Heartless” sa Vivamax simula sa June 17. Ito’y sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.

Sue Ramirez inalala ang pagkakasakit ng ama: Daddy’s girl kasi ako kaya talagang apektado ako

Sue Ramirez handa na nga bang lumagay sa tahimik kasama ang dyowa?

Sue pinakakalma ni Jodi kapag umiiyak: Napakabuti niyang tao, hindi siya nagagalit…

The post Sue Ramirez hinding-hindi patitigilin sa pag-aartista ng dyowang mayor; puring-puri si Diego Loyzaga appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments